Saturday, September 25, 2010
Saturday, April 3, 2010
Final Paper: Pambansang Wika
Kapag tinignan natin ang ating pambansang wika na Filipino, makikitang marami sa mga salita ay kinuha sa Tagalog. Kung tatanungin natin kung bakit, ito ay dahil ang capital city natin ay Metro Manila at ito ay nasa rehiyon ng mga Tagalog. Kahit pa naman noong panahon pa ng Kastila ay Maynila na ang kapitolyo ng Pilipinas, kaya madalas ay Tagalog ang nagagamit maliban sa mga nakakaalam ng Espanyol. Maging ang paggamit ng mga salitang Espanyol ay may pagka-elitista ang paggamit sa atin, kasi ang mga gumagamit ng mga salitang ito ay ang mga ilustradong Don at Donya noon.
Sa ngayon, mataas ang tingin ng ating lipunan sa mga magaling gumamit ng wikang Ingles. Kung bakit naman ganito ay makikita pa rin sa uri ng ating lipunan. Makikita na malaki ang tingin natin sa wikang Ingles dahil tayo ay nakatali sa bansang Estados Unidos. Ang ating ekonomiya ay nakasalalay sa ekonomiya ng Estados Unidos. Dahil dito malaki rin ang impluwensiya ng Estados Unidos sa pulitika ng ating bansa, dahil ito ay nasa kanilang interes.
Sa palagay ko ang ating problema ay hindi ang hindi pagkakaroon ng pambansang wika. Ang problema natin ay ang mas mababang halaga nito kung ikukumpara sa wikang Ingles. Makikitang ang kadahilanan nito ay ang ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Estados Unidos. Kung magkakaroon ng halaga ang ating wika, at kung ang wika natin ay bigyan ng respeto ng ibang bansa, kailangang makawala tayo sa ating pagkasailalim at pagkatali sa Estados Unidos. Kailangan rin may maibigay tayong kontribusyon sa mundo, mapakultural man, intelektwal, ekonomikal, at iba pa. Ito ay upang respetuhin ang ating bansa ng iba at maitaas ang estado ng ating wika.
Thursday, March 25, 2010
That language evolves is inevitable no matter what steps you take. If you look at older variations of language, you’ll find that it is very much different from what we have now. You do not have to go as far as Old English to realize this. The Tagalog of three generations ago is an entirely different thing to what we practice now.
It is hard to imagine that even a place like France, which has an institution specifically for the governing of its language, is free of this fact. At best, all they can do is maintain an artificial standard while changes are made around them.
To be fair however, I do understand why an artificial standard must be kept. Like I’ve mentioned, the way a generation speaks tends to change. To allow a language to go on at random risks wedging an incredibly huge gap between living people of different generations. One must always remember that language is above all about communication.
The obsession for a national identity has always struck me as fascinating. We have an official list of national objects and the simple use of the word Filipino in a cookie product is enough for our politicians to lodge protests. Of course this obsession extends to language. Our national language is Filipino, a language that supposedly uses Tagalog as its base. It is perhaps telling however that not everyone knows this fact and considers the language as simply Tagalog. The artificial attempt of imposing Filipino has failed and I agree that no such attempt at imposing a national language will work. All that we can do is let the language run its course.
On the other hand, I cannot help but feel way of how the author feels that a national language would naturally come from the struggles against capitalism, feudalism and imperialism. Although it is true that language can be used to keep knowledge from people, as well as help in imperialistic agendas, language is still a tool and nothing else. My biggest concern against activism has always been the way it sets itself up in such a way that it always has an enemy to hate with incredible and almost unguided passion. Although I understand their passion and more important what they are fighting for, I cannot help but feel that there is a better way than throwing insults and plastic bags full of paint is the best way to progress.
If language is used to deny knowledge, then it is a failure of the system and not of the language in question. To isolate yourself in one “nationalistic” (and I choose this word deliberately rather than national) language is to limit your growth to the confines of that circle. Translations are possible but the more languages you know, the less you are limited by such factors. As for any imperialistic agendas, although it is true that culture is sold through language, it is always a personal choice to buy into it. Even those who are not like me who choose to speak and think in English often buy into culture with what little English they know. You can choose to think of it as a leash but at the same time it is also possible to think of it as a means of expanding your options and knowledge—attaining freedom by learning not just English but other languages as well. To fear language because you suspect the motives of those who speak it is to choose to be willfully ignorant.
In the end language is a tool. A powerful tool, yes, but a tool all the same. All it does it allow for communications. The ideas belong to the individuals and agendas—slogans, music and turn of phrase are all tools. It is the people, the ideas and the choices we make that are important.
-Mark Derpo
Wednesday, March 24, 2010
FINAL PAPER: HINGGIL SA WIKA
Isa sa nagpapakilala ng ating pagka filipino hinggil sa kaugalian, tradisyon o kultura ang pagkakaroon natin ng sariling wika. Ang wikang Filipino ang kinalakhan nating wika, at nararapat na pagtuunan ng pansin upang magkaroon ng pag-unlad ang ating wika
Kung sa pulitikal na aspeto, napapansin ko na ang wikang Filipino ay siyang madalas na gamitin ng mga Pulitiko lalong-lalo na kung kampanya dahil ito ay ginagamit nila upang makuha ang loob ng mga Filipino at sa ganoon ay maunawaan nila ang kanilang mga plataporma at gamitin ang paggamit ng wikang Filipino sa tuwing nagtatalumpati ang isang pangulo sa ating bansa. Ngunit kung tutuusin ay malakas parin ang pananalantay ng paggamit ng wikang banyaga at masakit mang isipin na sa ganoong paraan lamang ginagamit ng mga pulitiko ang wikang Filipino. Dahilan na rin ng paggamit ng wika bilang kasangkapan ng may kapangyarihan
Siguro hindi naman malayong dumating ang araw na ang wikang Filipino ang maging wikang pang globalisasyon, imposible pero maaari kung pagtutulung-tulungan natin ito. Pero sa panahon ngayon ay wala na masyadong mga kabataan na nagmamahal sa sariling wika ngayon, at ang mabigat pa ay habang tumatagal ay baka matuluyan nang mamatay ang diwa ng wika lalong-lalo na sa sa bansa natin ngayon na pairalin ang mga mamamayan na magkaisa sa pagbibigkis gamit ang wika. Masasabi ko na isa ito sa mga hamon na nararapat na harapin ng mga kabataan ngayon.
JAYBEE CORONEL
2009 79038
Tuesday, March 23, 2010
Final Paper: Hinggil sa Wika
Mayaman man o mahirap, isa lang ang hangarin sa buhay, ang maging mataas sa lipunan at makipagsabayan sa pag-unlad ng samu’t saring bagay sa kanilang paligid. Lahat tayo ay naghahangad ng magandang buhay. Gusto nating yumaman. Gusto nating makarating sa ibang bansa at hindi man natin aminin sa sarili natin, gusto nating matutong bumigkas at umintindi ng wikang banyaga. Kung tutuusin, ibang iba talaga ang pagtingin at paghanga ng mga Pilipino sa mga taong magaling mag-Ingles. Para bang kapag magaling kang mag-Ingles ay magaling ka na ding mag-isip.
Pamula pa noong panahon ng Kastila ay nakitaan na ng mga mananakop ng potensyal ang katutubong lenggwahe ng Pilipinas kaya naman ito agad ang kanilang pinaginterasan. Nalaman nilang ang komunikasyon ang susi sa matagumpay na pananakop at pagpapalaganap ng Kristyanismo. Ang mga Pilipino naman noon, palibhasa ay hindi pa gaanong malakas ang kumpyansa sa sarili nilang bigkasin, ay mabilis na napasunod ng mga banyaga. Gayunpaman, dahilan na din sa maraming lipi ng mga Pilipino at iba’t ibang pinagmulan ay naging mahirap para sa mga Kastila na pag-aralan ang wika natin.
Subalit, nang dumating na ang mga Amerikano, walang kahirap hirap nitong naibida sa mga Pilipino ang wikang Ingles. Ito ay sa kadahilanang mismong mga kapwa nating mga Pilipino ang naglulunsad ng pagsulong sa paggamit ng Ingles. Paano mo masusugpo ang isang kaisipan kung mismong ang mga taong pinagkakatiwalaan mo at mga taong nasa posisyon para ipaglaban ang bansa ay nagtataglay ng tiwaling isipin? Paano ka matuto ng tama kung mali ang ipinapakita sa’yo? Sabi nga ni Atienza sa kanyang pagsusuri hinggil sa wika, “Ang suliranin ngayon sa wika ay hindi kung ano ang pambansang wika at kung paano ito bubuuin, bagkus ay kung papaano mapagiisa ang sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng wika, o paano magagamit ang wika bilang sandata ng masang Pilipino laban sa imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo.” Ang pahayag na ito ay mahirap makamtan kung ito ay magsisimula sa isang sunud-sunurang pinuno. Sa aking palagay, ito ay magiging epektibo lamang kapag nakita na ng pinuno ang wika bilang isang sandata ng pag-unlad at hindi lamang bilang tagapag-ugnay nang bawat isa. Ika nga sa panulat ni Atienza, “Anumang kilusan sa wika sa ating bansa ay nararapat magtaglay ng pagtanaw sa hinaharap ng sambayanang Pilipino.”
Kung kaya’t sa pakikiisa natin sa halalan sa Mayo, at sa pagpili natin sa magiging pangulo ng bansa, wag tayong masilaw sa ningning at wag tayong padala sa tamis ng mga pananalita. Maging kritikal, maging obhetibo. Piliin natin ang kandidatong hindi lang basta matalino, magaling o kahanga hanga sa pagsambit ng mga balakin, datapwat iyong kandidatong hindi mayabang, hindi puro salita at hindi amoy isda.
Manto, Katrizia Anne
Wednesday, March 17, 2010
Final Paper: Wikang Batuta
Makailang-ulit nang binabanggit ng maraming manunulat na ang wika ay nakaugat sa lipunan, kumikilos base sa kilos na ginagawa ng lipunang gumagamit nito. Hindi na bago ang kaisipang ito ngunit ginagamit pa rin sa maraming artikulo upang makita ang relasyon ng wika sa galaw at pag-iisip ng tao.
Masalimuot ang kasaysayan ng wika sa Pilipinas. Mula pa sa pananakop ng Kastila, sa rehimeng Commonwealth hanggang sa ating panahon ng pagkilos tungo sa mapang-akit na globalisasyon, masisilip na ang wika ay hindi lamang pangangailangan sa interaksyon kundi daluyan din ng masidhing layon na makapanakop. Naiisip kong ang wika ay may kakayahang manakop ngunit sa paraang gagamitin nito ang lipunan. Hindi tuwirang makakapanakop ang wika lamang; ang wika na nakapaikot sa isang panlipunang institusyon ang sandatang kukubkob sa isang kolonya.
Kung ididikit ang wika sa relihiyon at edukasyon na parehong matatag na institusyon ng lipunan, mabilis ang magiging paraan ng pananakop. Magiging batuta ang wika ng mananakop at kasunod na nito ang sistema ng pamimilit ng kung ano ang mabisang wikang pambansa, opisyal at pang-edukasyon. Sa sitwasyon ng ating bansa ngayon, nakapasok pa rin ang Ingles bilang kapantay o marahil ay mas mataas kaysa Filipino na salamin ng iba’t ibang katutubong wika natin.
Marami ang sumubok at ang ilan ay patuloy pa ring sumusubok na paigtingin ang pagtingin natin sa wikang Filipino. Naririyan ang mga nababasa kong literatura na isinulat sa Filipino. Matunog rin ang usapin patungkol sa mga batas na magpapayaman at magpapaangat diumano sa Filipino ngunit hindi pa rin maitatatwang mahina at mabagal ang ganitong proseso ng pagsasabatas.
Ang malaking problema ay nasa pagtatalakay lamang ng mga batas sa wika. Patuloy ang pagtalakay ng mga ito sa akademya at isinusulat sa saligang-batas ngunit hindi ibinababa sa masa na catalyst ng mga pagbabago at panlipunang penomenon. Tagalog, Pilipino o Filipino man ang itawag sa ating pambansang wika kung pag-uusapan lamang ng mga burges ng lipunan at hindi ibababa sa masa ay patuloy lamang na kakalusin ng batutang Ingles.
--japa miranda
Tuesday, February 2, 2010
Rebolusyon at Pakikibaka: Pagprotekta sa Bayan
Economism, Vol. 23, p. 61
Ang rebolusyon ay isang digmaang bayan na sa tingin nakararami ay isang madugong labanan. Marahil ay dahil na rin ito sa kasaysayan ng ating bansa. Noong panahon ng mga Kastila, ang rebolusyon ay ginamitan ng mga itak ng mga katipunero laban sa mga baril ng mga Kastila. Maraming namatay upang ipaglaban ang kanilang paniniwala, makamit ang karapatan at kalayaan at upang maprotektahan ang inang bayan. Ang pakikibaka ay isa sa mga paraan upang ipaglaban ang karapatan at kalayaan ng isang bayan na malayo sa kamalayan ni Kievsky.
Hindi alam ni Kievsky na ang rebolusiyon o pakikibaka ay isang paraan upang labanan ang mapang-aping dayuhan o pinuno upang maprotektahan ang isang bayan. Ngunit hindi lamang ito nagtatapos sa pagprotekta ng isang teritoryo sapagkat nasasaklaw din nito ang mga taong napapaloob dito kasama na rin ang kultura at wika ng mga taong ito. Kung iisipin maraming rebolusyon na ang naganap sa Pilipinas. Mula sa panahon ng mga Kastila, Amerikano, at maging panahon ni Marcos at Estrada ay ngakaroon ng pakikibaka upang madepensahan ang bayan na lugmok sa pang-aapi at pagbawi ng mga karapatan. Isa ito sa mga patunay at kahalagahan ng pakikibakadahil ang bawat naaping bayan at mamamayan ay lumalaban upang mapanatili ang kapayapaan at karapatan na tinatamasa ng mamamayan.
Ang rebolusyon na nagdulot ng pagkakaisa sa mamayang Pilipino ay ang ang rebolusyon laban sa pamumuno ni Marcos kung saan itinatag niya ang batas militar. Dito ay nagkaroon ng mapayapang rebolusyon. Sa pagkakataong ito, ang mga Pilipino ay lumaban upang maibalik ang mga nawalang karapatan at mapatalsik ang isang diktador na inabuso ang kanyang kapangyarihan. Ngunit kung iispin, bago pa magsimula at rebolusyon na ito ay marami na ang nabuwis ng buhay sa pakikibaka upang makamit ang kapayapaan at isa na dito ay si Ninoy Aquino na siyang gumising sa kamalayaan ng mamayan at nagpuwersa sa mga ito na makibaka.
Ito ang irony sa pakikibaka sapagkat upang makamit ang kapayapaan ay kinakailangan na magbuwis muna ng buhay at magkaroon ng karahasan. Marahil ay maaring kulang sa kamalayan at nabubulag sa katotohanan ang mamayan kaya;t kinakailangan muna na may gumising at masaktan upang bumuhos ang galit at tuluyang lumaban ang isang bayan.
-Lucero