Tuesday, February 2, 2010

Camouflage

"Bourgeois democracy is the democracy of pompous phrases, solemn words, lavish promises, and high-sounding slogans about freedom and equality, but in practice all this cloaks the lack of freedom and the inequality for the working and exploited people."
Soviet Power and the Status of Women,
Vol. 30, p. 121

Eleksyon na naman. Panahon na naman ng pangangampanya. Panahon rin ng mabubulaklak na salita, panahon ng pangako, ng pagpapabango sa tao. Sa madaling salita, pang-uuto.

Sa mga tambak na pangako, ilan lang ba ang natutupad pagkatapos ng eleksyon? Ilan ba ang nababago ang buhay dahil sa mga pangakong ito? Ilang nakitil na buhay ang nabigyang hustisya?

Ang pinagtataka ko, lagi namang ganito... pero parang walang nagbabago.

Tuwing panahon ng eleksyon, kaliwa't kanan ang pangangampanya ng mga pulitikong naghahangad makaupo sa puwesto. Ipinakikilala ang sarili-- mga nagawa at balak gawin kapag naluklok. Inihaharap ang sarili bilang "tagapagpabago ng lahat" na tila isang bayaning alam ang tunay na kahulugan ng hustisya, kalayaan at pagkakapantay-pantay. Sa panahong ito, lalabas ang maaamo't may ngiting mga mukha, masarap sa tengang mga pangako ng pagkakapantay-pantay at pagbabago.

Sa kabila ng lahat ng ito, hindi naman na lingid sa ating kaalaman na ang mga pulitikong ito ay bahagi ng mataas na uri sa lipunan. Silang kabilang sa grupo ng mga panginoong may-lupa, silang katoto ng mga naglalakihang transnational companies, silang makapangyarihan-- sila sila na siyang nag-aagawan sa puwesto.

"Hindi kailanman magtatagpo ang kapakanan ng api at nang-aapi." (sipi mula sa dokyumentaryong "Sa Ngalan ng Tubo")

Malamang kaya walang nagbabago. Paano mauunawaan ng magkaibang uri sa lipunan ang kanilang mga adhikain kung nanggagaling sila sa magkaibang lebel at punto ng buhay? Magkaiba ang mga karanasan at magkaiba rin ang nais sa buhay. Lalong magkaiba ang mga nakikita sa lipunan. Oo, posibleng nakikita ng magkaibang uring ito ang mga mali sa ating lipunan, pero dahil na rin sa magkaiba ang epekto nito sa kanila, magkaiba ang lebel ng kanilang pakialam sa mga ito. Sa usapin ng kalayaan at pagkakapantay-pantay, maaari nating sabihing ang tunay na may pag-unawa ay yaong handang harapin ang realidad ng pang-aaping litaw sa lipunan, yaong handang tukuyin kung ano at saan nag-uugat ang lahat ng ito-- sa api o nang-aapi man siya nabibilang.

Ngayon, isipin natin, sino bang tunay na nagsasabi ng totoo? Sinong walang bahong itinatago? Sino sa mga ito ang hindi lamang tayo pinapaasa? Sino bang tunay na may alam sa buhay? Sino sa mga ito ang hindi ikinikubli ang tunay na hangarin at katauhan sa likod ng mapagpanggap na mabubulaklak na salita?

Marahil panahon na upang ipakita ang tunay na kulay at walang habas na harapin ang realidad ng lipunang ito.

-Mia Catherine B. Alderite

Alyansa

“…In a society based on private property and the enslavement of millions of property less toilers by a handful of rich people, the government cannot be anything but the loyal friend and ally of the exploiters and the most reliable guardian of their power,” --- A Valuable Admission, Vol. 5 pp. 81-82

Hindi maipagkakaila na ang globalisasyon ang sentro ng atensyon sa isang naghihirap na bansa tulad ng Pilipinas na kasali sa tinatawag na “Third World Countries” sa Ingles. Ang globalisasyon ay nakapokus sa antas ng pangdaigdigang ekonomiya at mga plano sa pagpapaunlad nito.
Sa Pilipinas, gagawin lahat ng pamahalaan para lamang makasabay sa proseso ng globalisasyon kahit pa lumuhod ang Pilipinas sa mga nangungunang bansa makamit lamang ito. Halimbawa na lamang ang edukasyon sa bansa kung saan pinagtitibay ng pamahalaan ang paggamit ng banyagang wika dahil ito daw ay “nagpropromote ng global competitiveness” ng mga Pilipino sa iba’t ibang aspeto. Ito raw ay makakatulong lalo na sa pagkakaroon ng mga trabaho ng mga tao sa loob at labas ng bansa. Ang resulta? Napapabayaan natin mismo ang sarili nating wika kung saan ang Filipino ay nagiging pangalawang wika lamang. Kung tutuusin bakit nga ba tayo kailangang mag-aral ng wikang banyaga partikular na ang Ingles? Kung susuriing mabuti ang Ingles ang tinatawag na “universal language” at may hawak rin ng titulo bilang pinakamaimpluwensyang wika sa buong mundo sa ngayun dahil sa tinatamasang yaman ng mga bansang may wika nito katulad ng Amerika. Kaugnay nito, ang pag-aaral nito ay nangangahulugang solusyon sa pagtaas ng ekonomiya ng bansa. Pansinin na ditto rin pumapasok ang konsepto nang kung sino ang mayroong hawak ng kapangyarihan kung saan Ingles ang naghaharing wika.
Sa ating lipunan, hindi maikakaila na ang mga makapangayrihan ay ang mga taong nabibilang sa matataas o naghaharing uri ng lipunang Pilipino. Ito ay mga kadalasang negosyante na may-ari ng mga malalaking kompanya at gayun din naman ang mga nakaupo sa pwesto sa gobyerno. At dahil nga sa paghahangad ng bansa na makasabay sa proseso ng globalisasyon, isa sa mga ginagamit ng gobyerno upang makamit ito ay ang pakikipagalyansa sa mga negosyante sa loob at labas ng bansa. Kung maraming negosyo, maraming tax na makukuha ang gobyerno. Ang mga negosyanteng ito ang mayroong kapangyarihan at kapasidad na magpatakbo at magbukas ng mga negosyo na kinakailangan ng maraming mga Pilipinong mangagawa kaya naman pumapayag ang gobyerno sa kagustuhan ng mga nakakataas na uri sa lipunan. Binibigyan ng gobyerno ng daan ang mga negosyanteng ito na magtayo ng kanilang mga negosyo para daw mas mabigyan ng mga trabaho ang mga Pilipino. Ngunit ang hindi nila nakikita ay ang mga negatibong bahagi nito. Halimbawa na lamang sa konteksto ng paghahanap ng trabaho kung saan ang diploma ang labanan bukod sa kakayanan ng aplikante ng trabaho. Syempre mayroong dagdag puntos kung magaling sa wikang ingles, nagmula sa sikat na mga kolehiyo sa Pilipinas at idagdag pa kung mayroon pa siyang mas mataas na pinag-aralang Masters Degree ar Doctorate Degree. Bumabatay ang karamihan sa malalaking kumpanya sa antas ng pinag-aralan ng isang aplikante. Resulta, nag-aaral ang karamihan ng ilang taon sa kolehiyo upang magpakadalubhasa sa isang kurso upang makakuha ng diploma. Pagkatapos noon, sino ang nakikinabang sa mga taong iyon? Hindi ba ang mga negosyante din o mga miyembro ng mga nakakataas ang uri dahil sila ang may kapasidad upang bayaran ang pinag-aralan mo kapalit ng isang maganda at maayos na serbisyo. Isa pang magandang halimbawa ang mga nasa call center kung saan nagpapakapuyat ang mga call center agents at nagsisipag-aral at nagsisipagkadalubhasa sa iba’t ibang wikang banyaga makakuha lamang ng mataas na sweldo mula sa mga internasyunal na kompanyang ito na ang nakikinabang ay hindi naman mga Pilipino.
Sa huli, sino ang prumoprotekta sa mga nagosyanteng ito kakataas na ito kundi gobyerno din dahil sila mismo ay nakikinabang sa grasyang tinatamasa ng mga naghaharing uri.

Jhoanna Marie A. Del ponso

Lenin

“…In a society based on private property and the enslavement of millions of propertyless toilers by a handful of rich people, the government cannot be anything but the loyal friend and ally of the exploiters and the most reliable guardian of their power. In our times, guns, bayonets and whips are not a sufficiently reliable guardian; it is necessary to convince the exploited that the government stands above the bourgeoisie, but those of justice, that is concerned with protecting the weak and the poor against the rich and the powerful…”

A huge percentage of the Philippines’ lands belongs to private corporations. These private corporations are owned by a few families who make up the tip of the triangle, the only people who can honestly say that they live comfortable and happy lives in this country we are forced to call home. I have no knowledge whatsoever on how such families have accumulated such wealth to be able to own what can be almost half, or at the rate that they are going, probably more than half of the country’s lands. All I know is these families surely have paved smooth ways for the next generations that will be lucky to be born into such names. As the country is largely dependent on these filthy rich people, the government doesn’t have any choice but to be of the same page as them. Thus, the government loses the sole advantage that they have over these people and chooses to be enslaved by them. The amount of money and the number of favors they get from these rich people are beyond every regular Filipino’s wildest dream. As much as it is of great embarrassment to reveal this, our country is run by desperate social climbers who will do everything to be recognized by high society.

The divide between the rich and poor is greatly affected by the officials’ outright social climbing. As what matters most is their moneymaking and their shameless acts of theft, the welfare of those who need assistance the most goes disregarded. It is a sad reality that in this country, the rich are getting richer and the poor are only getting poorer. It is of a sadder reality that one’s definition of poor might not even suffice to describe the despicable lifestyles this country’s poor have turned out to be over the years. No improvement has been made even though there have been countless promises made by aspiring officials who, when before elected give highly likeable platforms regarding helping the poor, but when elected in office break such promises because of the blinding light that is their greed.

And now that May is coming up, we are again bombarded by such promises—promises of a better future and of an honest tomorrow. But trust is a hard to give, especially when it has been already broken not just once but many times over. A complete overhaul is needed—one where a complete reshuffling of power is involved. The government must once and for all assert its power and not let their personal interests lead the way.

Patricia Camille M. De los Santos

Sino ang taya?

But this general, theoretical question automatically arises: What is at the root of the falsehood of such arguments; how can hypocrisy of the German imperialists be exposed with unerring certainty? The correct theoreticala nswer pointing to the root of falsehood always serves as a means  of exposing the hypocrites who, for reasons all too obvious, are inclined to cover up their falsehood, to obscure it, to clothe it in flowery phrases, all sorts of phrases, phrases about everything in the world, even about internationalism.
                                          German and Non-German Chauvinism, Vol.22, p. 183


Ang isang pagkakamali ay hindi kailan man nasosolusyunan ng isa pang pagkakamali. Para itong apoy, hindi mawawala kung susundan pa ng kahit na maliit lang  na apoy. Anu pa man ang mangyari, mas lalala at lalaki pa ito. Sa panahong ito, nagsisimula na naman na maglabasan ang gustong makisama sa koronasyon ng bagong buwaya sa ating bansa. Hindi pa nga nawawala ang pinakamalaking buwaya sa Pilipinas sa palasyo, ngunit heto na naman ang mga nagkakandarapa na maghari sa trono.


Masakit man sabihin, ngunit ilang beses na tayong naging biktima at naging uto-uto sa paulit-ulit na pangangako, sa paghahayag ng katalinuhan at sa pag-ako ng kanilang walang bahid na kagustuhan na magsilbi kuno sa sambayanang Pilipino. 

Hindi mailalabas ang pagkakamali kung magpapadala tayo sa pagpapanggap at huwad na layunin ng mga naghaharing uri. Iyon ang pagkakamali natin. Sa sobrang pagiging masayahin nating mga Pilipino, madali na tayong makalimot. Nakalimutan na natin ang dahas na isinukli ng pamilya Cojuangco sa mga mamamayan na ang nais lamang ay mabuhay nang sapat at maayos. Pagpapaulan ng bala, pagtatapon ng tear gas, pakikipagsabwatan sa institusyon ng pamahalaan-ito ang ginawa ng nagmamay-ari ng Hacienda Lusita. At ngayon ano na lang ang mas tumatatak sa atin? Si Noynoy ay isang malinis na Aquino na gagabayan ng kanyang inang makadiyos at amang makabayan kapag siya ay naitanghal na presidente ng Pilipinas. Sinabi lang na diyos, ayan at nasa kanya na ang panig ng karamihan. Sinabi lang na demokrasya dahil kay Ninoy, lalong nadagdagan ang panig na iyon.

Nariyan din ang isyu tungkol kay Villar sa C5 na proyekto niya na marami 'daw' ang makikinabang. Ngunit sa kahit anong anggulo natin tingnan, siya ang may pinakamalaking benepisyo sa kanyang proyekto. Alinsunod naman sa kanyang sinasabi na para daw ito sa ikagaganda ng bayan. At siya. Siya mismo anng nagtatanghal sa kanyang sarili bilang tunay na mahirap? Galing nga ba siya sa mahirap? Nananalaytay pa nga ba sa kanya ang dugong mahirap kahit na naging likas na sa kanya ang pagpapayaman. Sino ang maniniwala? Sa paanong paraan?

Hindi matatabunan kailan man ng katalinuhan, ang pagiging matatas magsalita, at ng kahit ano pang pagpapanggap ang isang kamalian. Nariyan at nariyan ito. Subukan nating huwag umasa at tingnan ang lalim ng mga pagkataong  nasa harap natin. Sino nga ba sa kanila? Sino ang nagpapagod lang para sa kanilang sarili? Sino ang nagpapagod para sa mga mamamayan. O talagang hanggang sa katapusan, wala tayong mapapala? Sino ang totoo, sino ang malinis? Sino ang hindi mayabang sa salita at sa gawa? Sino sa mga tatakbo ang dapat mataya?


QUEENE TUMAQUE

Language, Hypocrisy, Ambiguity, & Complacency

"Bourgeois democracy is the democracy of pompous phrases, solemn words, lavish promises and high-sounding slogans about freedom and equality, but in practice all this cloaks the lack of freedom and the inequality of women, the lack of freedom and the inequality for the working and exploited people. Soviet or socialist democracy sweeps away these pompous false words and declares ruthless war on the hypocrisy of "democrats", landowners, capitalists and farmers with bursting bins who are piling up wealth by selling surplus grain to the starving workers at profiteering prices."

Soviet Power and the Status of Women, Vol. 30, p. 121

Nang binabasa ko itong pahayag na ito, hindi ko maiwaasang isipin na ang sinasabi nito ay may kabuluhan sa pagtingin sa lipunan ng Pilipinas ngayon. Lalo na at nalalapit na ang eleksyon, makikita natin kung paano gumagana sa pangangampanya ang pagpili ng mga salitang ginagamit sa intensyon na bawat kandidato. Dahil ang paraan ng pagkapanalo sa eleksyon ay makukuha sa dami ng boto, masasabing ang layunin ng isang mangangampanya ay maging popular sa sektor ng lipunan na may pinakamaraming bilang ng tao. Kaya kung gagawa ng plataporma ay bibigyang pansin ang masa dahil sila ang mas nakararami sa lipunan.

Ngunit makikitang hindi naman ganito kasimple ang lahat dahil ang naghaharing uri ay hindi naman ang masa kung hindi ang mayayaman. Masasabing ganito dahil ulit sa sistemang gumagana sa ating lipunan ngayon na ang may sapat na pera para gumastos sa pangangampanya lang naman ang tumatakbo sa eleksyon.

Wala namang makikitang mahirap na tumatakbo kaya ang madalas na nakakapasok sa kongreso at gumagawa ng batas ay ang mga talagang mayayaman lamang. At ang kinalalabasan ay pinoprotektahan nila ang kanilang mga interes na walang pakundangan sa kalagayan ng iba. Ngunit hindi naman nila ginagawa ito ng direkta kung kaya't gumagamit sila ng mga salitang mabulaklak ngunit wala namang maintindihan dahil puro hangin lang naman ang laman. Masasabing nakukuha nila ang pagsangayon ng iba sa dahilang sila nga ang naghahari at hindi naman sila makwestyon dahil hawak nila ang gobyerno. Masasabi rin naman na hindi sila makwestyon dahil nga puro hangin ang laman at walang kongkretong sinasabi, ika nga walang malinaw na pinapanigan. Sa ganitong sistema ay nagpapayaman lang sila ng nagpapayaman sa at ang mahirap ay lalong naghihirap.

Kung magwelga naman ang mga magsasaka at mga proletariat, tinatapatan naman sila ng militar upang pigilan silang makapagwelga o papangakuan sila ng pagbabago na hindi naman natutupad dahil ang ginagamit din nilang salita ay yung ginagamit sa pangangampanya na mabubulaklak na salitang puro hangin ang laman. Ang ganitong mga pangyayari ay nakakatanggal ng pagasa ngunit may pahayag sa babasahin na kung tama ang pinaglalaban ay dapat ituluy-tuloy ito at huwag ipagwalangbahala dahil sa pagod at pagkabalisa. Ang tinutukoy ko ay ito,

"If anyone wants to persuade the Social-Democratic proletariat that the slogan of boycott is a correct one, he must not allow himself to be carried away by the mere sound of words that in their time played a great and glorious revolutionary role. He must weigh the objective conditions for applying such a slogan and realise that to launch it assumes indirectly the existence of conditions making for a sweeping, universal, powerful, and rapid revolutionary upwsing. But in periods of a temporary lull in the revolution, such a condition can in no circumstances be indirectly assumed. It must be directly and distinctly realised and made clear both to oneself and to the whole working class. Otherwise one runs the risk of finding oneself in the position of a person who uses big words without understanding their true meaning or who hesitates to speak plainly and call a spade a spade"

Against Boycott, Vol. 13, p. 36

Kung gagamitin ang pahayag na ito sa pagtingin sa nangyaring EDSA revolution at pagpapatalsik kay Marcos, sapat na ba iyon at nagbago ba ang lipunan? At sino nga ba ang tunay na nagwagi sa "People Power"?

-Jon Louis de Leon

Fairytales

“Let us point out too, that in the election campaign in general, and in concluding electoral agreements at the higher stages, the Social-Democrats must speak simply and clearly, in a language comprehensible to the masses, absolutely discarding the artillery of erudite terms, foreign words and stock slogans, definitions and conclusions which are as yet unfamiliar and unintelligible to the masses. Without flamboyant phrases, without rhetoric, but with facts and figures, they must be able to explain the questions of socialism and of the present Russian revolution.”

The Social-Democrats and Electoral Agreements, Vol. 11, p.294



We live in a country where god, country and the poor are in the minds of every politician (especially during campaign season). It is perhaps strange then that everyone generally agrees that our country is poor (maybe this is what they mean when they say they’re pro-poor?) and that government is inept and corrupt. The picture is obviously wrong so why are the same people in office time and time again?

Now that it’s election season once more, the same people are plastering their mugs all over television, proclaiming (often in song) their many virtues and promises. Our politicians, in their infinite skill and virtue, promise to provide us education, work, a house and lot and a partridge in a pear tree and that goes without mentioning the utter eradication of poverty. And they promise to do this all in one presidential term.

The logistic nightmare of solving all the country’s problems in one term aside, it does not take rocket science to realize just how unfeasible and unlikely these promises are. All these pretty words work in the short term. They try to make the voters believe that paradise is only one president away instead of years of ongoing and consistent reform.

Words are words. I long for the day when a politician decides to be realistic and frank. It won’t be what we’d want to hear, yes, but it would be what we so badly need.

Wala sa lugar

"In a society based on private property and the enslavement of millions or propertyless toilers by a handful of rich people, the government cannot be anything but the loyal friend and ally of the exploiters and the most reliable guardian of their power."

Ang pamahalaan dapat ay ngangangalaga sa kapakanan ng kanyang nasasakupan at namamagitan sa mga tunggaliang nagaganap rito. Ngunit sa kalagayan ng lipunang Pilipino, hindi ganito ang nangyayari.

Kapuna-puna na sa kabila ng pagbabanggaan ng magkaibang interes ng dalawang uri-- mga pesante at mga panginoong may lupa o PML--, imbes na tumulong ang gobyerno sa pagresolba ng kontradiksyon ay kapansin-pansin pang mas pinoprotektahan nito ang mga PML. Halimbawa na lamang, kahit pa sabihing may mga reporma sa lupa, hindi pa rin naman nakasisiguro ang mga magsasaka na matutulungan sila ng mga ito dahil hindi naman talaga ito nangangahulugan ng tuluyang pamimigay ng ilang lupain sa kanila sa kadahilanang maraming mga kundisyon gaya na lamang ng eksempsyon ang nakalaloob rito. Isang halimbawa na lamang ay ang diskwalipikasyon ng ipamimigay na lupain kung ito ay di gaanong patag. Sa ganitong kondisyon, makasisiguro ang pamahalaan na malilimitahan lamang ang maipamimigay na mga lupain.

Sa puntong ito, makikita na balat-kayo lamang ang lahat. Nag-aanyong mabuti ang mga programang pawang mga pabor sa naghaharing-uri kung saan, sa kabila ng lubos na pag-asa ng mga kawawang magsasaka na makapag-ari ng sariling lupa ay ang katotohanang dahil sa mga kung anu-anong mga kondisyong nakalatag ay mananatili pa rin namang pagmamay-ari ng mga PML ang mga lupain.

Nagpapatuloy ang ganitong kaganapan sapagkat magaling rin naman sa pagpapanatili ng kapangyarihan ang gobyerno--kapagyarihang wala sa lugar. Idinaraan sa takot at dahas ang mga kawawang pesanteng nais lumaban at ipaglaban ang karapatan gaya na lamang ng nagyari sa Hacienda Luisita Massacre.

Sa lahat ng ito, mahihinuhang wala na nga sa lugar ang pamahalaan. Hindi na nito napangangatawanan ang tungkuling mangalaga sa mga mamamayan anumang uri ang kinabibilangan ng mga ito.

-Roemina Deocareza