Wednesday, March 24, 2010

FINAL PAPER: HINGGIL SA WIKA

Isa sa nagpapakilala ng ating pagka filipino hinggil sa kaugalian, tradisyon o kultura ang pagkakaroon natin ng sariling wika. Ang wikang Filipino ang kinalakhan nating wika, at nararapat na pagtuunan ng pansin upang magkaroon ng pag-unlad ang ating wika

Base sa pagkakaintindi ko sa isinulat na akda ni Monico Atienza patungkol wikang Filipino, makikita ang iba’t-ibang mukha o anyo nito sa iba’t-ibang aspeto. Sa globalisasyon, masasabi ko naman na ang wikang Filipino ay malaman at hitik sa bunga an gating wika ngunit sa napapansin ko ngayon ay hindi ito masyadong napapansin dahil nga abala tayo sa globalisasyon. Tama nga naman at mahirap nga namang mapag-iwanan. At naiiintindihan ko kung ganito ang isipin ng iba. Kaya panay ang sulong sa pagpapakadalubhasa sa wikang Ingles. totoong kailangan nga nating matuto ng ingles dahil ito ang pinaklaganap na lenggwahe ngayon, pero paano naman dito sa atin? ni hindi nga tayo magkasundo kung ano ang gagamiting pambansang wika. sa konsti, may bilingual policy kaya, pambansang wika + english. pero marami pa ring ang naghahabol sa deklarasyon na Filipino ang pambansang wika. ang laking debate pa rin hanggang ngayon. ang ingles ang wika ng globalisasyon. ito ang ginagamit sa lahat ng transaksyon, pulong atbp. pero sa pagnanais ng mga nagdaang administrasyon natin na makahabol sa "pag-unlad" ng buong mundo sa pamamagitan ng paimbabaw na marka nito, ibig sabihin, marunong mag-Ingles, tinatamaan naman ang kalidad ng edukasyon.kahit nga yung ibang mga guro mismo, hindi matatas mag-ingles kaya kahit magaling sila sa itinuturo nila, hindi nila maisapasa yung kaalaman nila, dahil sa language barrier. kaya kung gusto nating hindi ampaw yung kaalaman, dapat, ang gamiting lenggwahe sa eskwelahan yung naiintindihan ng karamihan.

Kung sa pulitikal na aspeto, napapansin ko na ang wikang Filipino ay siyang madalas na gamitin ng mga Pulitiko lalong-lalo na kung kampanya dahil ito ay ginagamit nila upang makuha ang loob ng mga Filipino at sa ganoon ay maunawaan nila ang kanilang mga plataporma at gamitin ang paggamit ng wikang Filipino sa tuwing nagtatalumpati ang isang pangulo sa ating bansa. Ngunit kung tutuusin ay malakas parin ang pananalantay ng paggamit ng wikang banyaga at masakit mang isipin na sa ganoong paraan lamang ginagamit ng mga pulitiko ang wikang Filipino. Dahilan na rin ng paggamit ng wika bilang kasangkapan ng may kapangyarihan gaya nga ng ginawa ng mga kastila at America upang sakupin an gating bansa. Siguro nga na napakalakas ng dating ng pagiging kolonyal ng bansa natin. Nakakalungkot mang isipin, na hinayaan lamang nilang nilang yakapin ng mga Filipino ang wikang pinaniniwalaan nating mas nakakabuti at magpapaunlad sa atin. Napakalaking insulto sa mga pilipinong labis na nagmalasakit sa kahalagahan ng ating wika at nakaklungkot ding isipin na kung Paano nang matutunan ng susunod na henerasyon ang pagkakaroon ng nasyonalismo.

Siguro hindi naman malayong dumating ang araw na ang wikang Filipino ang maging wikang pang globalisasyon, imposible pero maaari kung pagtutulung-tulungan natin ito. Pero sa panahon ngayon ay wala na masyadong mga kabataan na nagmamahal sa sariling wika ngayon, at ang mabigat pa ay habang tumatagal ay baka matuluyan nang mamatay ang diwa ng wika lalong-lalo na sa sa bansa natin ngayon na pairalin ang mga mamamayan na magkaisa sa pagbibigkis gamit ang wika. Masasabi ko na isa ito sa mga hamon na nararapat na harapin ng mga kabataan ngayon.



JAYBEE CORONEL

2009 79038

No comments:

Post a Comment