Sunday, December 27, 2009

Ang Masa bilang Wika, Ang Wika bilang Masa

Sa aking pananaw, ang ibig sabihin ng isang makamasang pag-aaral ng wika ay ang pakikipagkaisa at pagaangkop ng mismong katauhan kasama ang puso at isipan sa masang Pilipino. Upang tunguhin ang isang pag-aaral kinakailangang nailalatag ang sarili sa realidad na tinatahak ng isang pananaliksik. Ibig sabihin, hinahayaan ng isang pag-aaral ang sarili nitong simuno at preposisyon na maglakbay tungo sa ninanais nitong kahihinatnan kasabay ng pagyakap sa magiging resulta ng isang pananaliksik.

Ang makamasang pag-aaral ng wika ay kinakailangan upang maitaguyod hindi lamang ang wika kundi pati na rin ang mga taong gumagamit nito. Ang mga taong mayorya sa isang lipunan, mga taong pangunahing tauhan na magsasalita sa mga nakahain at ihahaing mga diyalogo. Sila dapat ang maging batayan, instrumento at patutunguhan ng isang makamasang pag-aaral ng wika. Ayon kay Amado V. Guerrero, masang ituturing ang isang tao kung ito ay nabibilang sa 98 porsiyentong alipin ng mga kapitalista’t panginoong may lupa na bumubuo sa tatsulok na lipunang Pilipino. Binubuo ng mga magsasaka ang 75% ng populasyon, 15% sa mga manggagawa at 8% sa mga peti-burgesya. Sila ang masang Pilipino, pangunahing nakikita sa lansangan, sa labas ng bahay, palaging nagpoprotesta at laging sumisigaw ng pantay na karapatan at katarungan. Sa mga taong ito nakasalalay ang kinabukasan ng ating wika, ang magiging kahihinatnan nito.

Hindi kinakailangang maglatag ng kung ano pa mang batas at tuntunin upang masabing umuunlad at maganda ang isang wika. Laging tandaan na hindi nabubuhay ang wika dahil sa pagiging teknikal ng paggamit nito kundi sa dami ng gumagamit at kadalas nitong gamitin. Isa pa, hindi na natin naiisip bilang isang masa ang mga direksyon sa tamang paggamit ng mga salita, na tanging tao lamang ang may gawa, kung nahahaluan na ito ng damdamin sa pagpapahayag. Ang makamasang pag-aaral ng wika ay dapat nakaangkop sa katauhan ng isang masa na hindi nangangailangan ng batas upang ito ay gamitin sa halip ang pagsasapuso ng sinasabi at pagpapahayag ang tanging paraan upang ang mensahe ay maiparating sa kung para kaninuman.

Ang isang makamasang pag-aaral ng wika ay hindi dapat nakakulong sa nakahaing porma sa kung paano ito ginagamit ng mga intelektual sa kung paano ito sinuri, pinag-aralan at ginawan ng batas. Dapat ang pag-aaral ay nasa kamay ng isang totoong masa na nangangailangan ng pagpapasailalim sa kanila upang maabot ang tama at tapat na konklusyon sa pananaliksik. Samakatuwid, ang masa mismo ang magpapasya, maglalatag at magtatakda sa kung paano ginagamit ang wika dahil sila naman ang gagamit nito at aangkop sa wikang kanilang itinatag at itinataguyod. Ayon nga sa isang kasabihan, mula sa masa, para sa masa, tungo sa masa.


isinulat ni Hans Kevin R. Madanguit

Kahulugan ng Pag-aaral sa ating Wika

Isang pagpapakita ng pagiging nasyonalismo ang pagmamahal sa sariling bayan, pagpapahalaga sa sariling kultura at paglilingkod sa bansang sinilangan. Marami sa mga Pilipino ngayon ang nangingibang bansa upang doon hanapin ang kanilang kapalaran, magtrabaho sa mga dayuhan at magpaalipin sa kanila. Karamihan rin sa atin mas tinatangkilik ang gawa at produkto ng ibang bansa dahil ito ay mas maganda, mas matibay at mas may class. Sa larangan naman ng edukasyon, higit na binibigyan nila ng importansiya ang pag-aaral ng wikang Ingles at iba pang mga wikang banyaga kumpara sa sarili nating wika. Sa elementary at high school, major subject pa kung tawagin ang English, Math at Science. Saan na napunta ang ating wika? Ang wikang Filipino? Ano pa nga, e di ito ay ibinilang sa mga minor subjects. Bakit ganoon na lamang kababa ang pagtingin sa wika natin? Ano nga ba ang tunay na pagpapakahulugan sa nasyonalismo?
Ang nasyonalismo ay hindi lamang pagmamahal sa bayang sinilangan kundi kaakibat din nito ang pagmamahal sa sariling wika. Para sa akin, ang makamasang pag-aaral ng wika ay isa sa pagpapakita ng nasyonalismo. Wikang Filipino ang ating pambansang wika, ito ang wikang sinasambit at ginagamit ng ating mga kababayang Pilipino. Ang pag-aaral sa ating wika ay nangangahulugan ng pagrespeto natin sa ating bansang pinagmulan at pagrespeto sa mga taong pinaglaban ang ating kalayaan. Ito ay hindi lamang pag-aaral sa paggamit ng wika kundi pati ang kasaysayan nito at kung paano tayo nagkaroon ng sariling wika. Kung ano ang mga pinagdaanan ng ating wika upang magkaroon tayo ng sariling kakilanlan at upang mapanatili ito hanggang sa kasalukuyan ang tunay na kahulugan ng pag-aaral natin ng ating wika.

--FLORES

Friday, December 25, 2009

Wike: Pareparehong Karanasan

Sa unang pagtingin, tila walang kinalaman ang wika sa konteksto ng masa. Na ito ay isang aralin na hindi puwedeng umalis sa konteksto ng akademiya. Pero ang wika ay isang buhay na bagay. Ito ay nagiiba depende sa mga taong gumagamit nito at ang wika ngayon ay ibang iba sa wikang ginagamit noon.

Dahil buhay nga ang ating wika, ito ay isang bagay na nararanasan ng bawat tao. Ang pare parehong karanasang ito ang puwedeng gawin base sa pagaral ng wika at ng masa. Puwedeng makita sa paraang ng pagsalita kung papaano magisip ang isang henerasyon. Puwede itong gawing pangdagdag sa historya at mga pangyayari para makita ang pyskolohiya ng nakaraan o kahit ang ating kalagayan ngayon.

Maari rin gamitin ang pagaral ng wika para maintindihan kung papaano nagiisa at pagisahin ang isang bayan. Ang pagsasalita ay isang paraan para maihatid ang mga ideya sa ating mga kapwa at ito ay nagagamit sa mga proyekto at gawain ng mga tao. Nakikita sa mga nabubuong salita na umiikot sa bawat ideya ang pagkatao ng kilusan. Ito ang bumubuo ng identidad mga grupo at siya rin tumutulong para palakasin ang pagsamasama ng mga tao. Ang ating tuloy na paggamit at tuloy tuloy na kontribusyon sa wika ay marahil isa sa ating pinakaepektibong paraan para tayo ay magisa o kahit papaano ay magkaintindihan rin.

-Mark Derpo

Tuesday, December 22, 2009

Ugnayan: Wika at Masa

Kapag sinabing wika, marahil ang unang pumapasok sa isipan ng isang tao ay mga salita o kataga, diyalekto, tunog, at iba pang may kinalaman sa tipikal na kahulugan nito. Sa kabilang banda, ang hindi naiisip ng karamihan ay ang grupo ng mga tao sa lipunang gumagamit nito at kung paano ito nangingibabaw o ‘di kaya naman ay pilit na sinasapawan. Ito ay dahil madalas ding naihihiwalay ang pag-aaral ng wika sa mga nangyayaring tunggalian ng mga uri sa lipunan. Ngunit paano nga ba dapat pag-aralan ang wika? Ito ay sa pamamagitan ng makamasang pag-aaral dito (ayon nga kay Mao).

Nangangahulugan lamang itong dapat tuklasin hindi lamang kung ano ang umiiral na wika, kundi ang umiiral ding mga tunggalian sa lipunan at sa pwersa ng produksyon. Kung baga, maikakabit ang ganitong pag-aaral sa dialektikal-materyalismong pananaw (na konsepto ni Marx). Ang wika ay isa lamang bunga ng kalagayang panlipunan, kaya naman mayroong tinatawag na wika ng mga elit o burges, at wika ng masa o walang kapangyarihan. Ang makamasang pag-aaral ay nangangahulugan din ng pagtingin sa pagkakaiba ng wika depende sa gumagamit nito (ang masa at ang elit) –mula sa mga salita, pangungusap, maging sa kahulugan, paraan, at kung bakit ganito ang paggamit nila ng mga ito. Sa madaling salita, mula loob hanggang sa labas na aspekto ng wika ay nahihimay at naaanalisa nang maigi sa pag-aaral na ito.

Bukod pa sa pagtuklas ng mga bagay na ito hindi ibig sabihing dapat itong matapos bilang isang pag-aaral lamang, kaakibat din dapat nito ang pagbibigay halaga at pagsusulong sa kung ano ang wika ng nakararami –ang tunay na wikang dapat na naghahari sa isang lipunan.


-Morales, Deidre R.

Monday, December 21, 2009

Sa Masa ang Inaasam

Sa kasalukuyan, makikita nating litaw na ang wika—sa halos lahat ng pagkakataon—ay politikal kung saan palagiang mayroong kinalaman ang ugnayan ng lakas (power relations). Kaugnay nito, papasok ang katanungang: paano ba natin mailalagay sa realidad ang sinasabing “makamasang pag-aaral ng wika?”

Sa aking palagay, kung ito ang nais makamtan, nararapat na makita kung ano o sino ang nakararami (majority) sa isang lipunan (hindi palagiang nangangahulugang mas malakas o mas mataas). Ang pagkatukoy na ito sa masa ay unang bahagi lamang ng makamasang pag-aaral ng wika. Mula rito ay pag-aaralan, bubusisiin, pagtutuunan ng pansin at samakatuwid ay pahahalagahan at pangangalagaan ang wika na mayroon ang masa. Nakikita kong kasunod ng pagkamit sa mga ito ay maitutulak ang pag-unlad ng wika ng masa. Ang wikang ito ang siyang magdedefine at magbibigay hulma sa isang kultura—na siyang makakapagpaiba nito mula sa ibang kultura.

Sa makamasang pag-aaral ng wika, makikita at mababakas kung paano nabibigyang hulma ng karanasan ng tao—na may kinalaman sa posisyon sa lipunan—ang kanilang wika.

Samakatuwid, ang esensya ng lahat ng aking nasambit ay: kung nais na makita ang tunay na kalagayan at katangian ng wika ng isang kultura at kalipunan ng mga tao, nararapat na magbigay-tuon sa kung sino ang nakararami sa grupong ito—sa masa. Sa ganitong paraan mas lilitaw kung ano ang likas at tunay sa isang kultura.


Alderite, Mia Catherine B.

Tuesday, December 15, 2009

Pang masa na ba ang wikang Filipino?

“Ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay masmasahol pa sa malansang isda.”
iyan ay isang kasabihan galing kay Gat Jose Rizal. Nakakasawa mang pakinggan, ay wala tayong mailalarawan para sa ating wikang pambansa.

Wikang Filipino, sabihin man nating hindi ito ang wikang intelekwalisado o hindi man pambansa, masasabing kong pambansa lalo na't pang masa,bakit/ mapapansin na lang natin sa mga napapanood natin sa mga telebisyon yung mga programang, Wowowee at eat bulaga, di ba sadyang pang masa ang mga yun at ang mga wikang ginagamit nila ay filipino. Ang mga koreanovela at iba pang banyagang palabas na isinalin sa sa wika natin upang ating maintindihan ang daloy ng istorya ng mga ito. Hindi ba maituturing na pangmasa ang ating wika? ito rin ang wikang ginagamit ng mga karaniwang tao dito sa ating bansa, mga nakakapgtrabaho man o hindi. Diba nga nasabi narin sa ating konstitusyon na ang wikang Filipno ay siyang pinagsama-samang salita dito sa ating bansa. KAya't ano pang sabihin natin ay maipapakita na tunay at patuloy nating minamahal ang ating wika, ngunit sa iba't-ibang paraan nga lang. At patuloy itong yumayaman sa pagdaan ng panahon dala narin ng patuloy na pagbabago ng ating lipunan.

Masakit mang isipan na mga salitang banyaga na ang madalas na tinitingila, at napakataas ng ating tingin lalo na nga mga "elite" na tao dito sa ating bansa. Maraming paraan para mapatigil ang mga maling pag-iisip ng mga Pilipino patukoy sa kanilang sariling wika, ngunit madami ding paraan para mag-isip din ng masama tungkol sa Filipino. Kahit ang ibang salita ay hiram, orihinal siya at kakaiba; sariling atin talaga. Hindi dapat ito ginagamit pang grupo grupo lamang dahil ito ay binansagang Pambansa.


Jaybee Coronel

Sunday, December 6, 2009

Ang Estado at Kahahatnan ng Wikang Filipino

Ang heograpikal na pinanggalingan ng wika at ang politikal, ekonomikal na estado at pagbabago ng mga gumagamit nito ay ang mga di-matatawarang koneksiyon sa tagumpay at pananatili at pag-unlad nito.

Ngunit sinabi ni Ostler na ang organikong pinagmulan ay maaaring talunin ng merger and acquisition na nagaganap sa pagitan ng mga wika. At ang merger and acquisition na ito ay dulot ng pisikal at/o ekonomikal na pagtalo at pagtatagumpay ng isang wika laban sa iba. Ang agrikultural, teknolohikal at pinansiyal na pag-unlad ng mga sibilisasyon ay nagdadala at naghihila sa wika upang maging tatak at legacy ng mga ito habang gumagapang at umiimpluwensiya sa mga sinasakupan at pinaghahariang mga lugar sa mundo.

Sa pagbubukas ng mundo sa malayang sistema ng merkado at paglalakbay, naging talamak, kung hindi mithiin, ang imigrasyon. Sinasabi ni Ostler na ang imigrasyon ay ang kasalukuyang nagbibigay daan sa mga wika upang magkaroon ng integrasyon: palitan, hiraman, talunan; na ang pagpapakalat ng wika ay mas makapangyarihan pa kaysa sa dahas ng krusada at kolonyalismo ng nakaraan.

Ang tinatamasa ng wikang Inggles ngayon sa pandaigdigang sakop, ayon kay Ostler ay magiging kapara ng sinapit ng wikang Latin, patay at ekslusibo, ngunit nanganak ng marami, ilan lamang sa mga Romance Languages na ito ay ang Italyano, Pranses, Espanyol at Portuges. Ang wikang Mandarin ng mayoryang Intsik ay ang uusbong at papalit daw sa trono.

Ang lokal na penomenon ng ugnayang wikang Filipino at Inggles ay maaring humantong sa ganito. Dahil sa dami ng mga tao, pag-usbong ng henerasyon na patuloy na tumatangkilik sa malayang palitan ng mga salita, kasama na ang pagluklok sa Inggles di lamang ng mga tao sa mataas na bahagdan ng lipunan, at ng gobyerno mismo, ang turing sa wikang Filipino bilang pang-masa at pangkaraniwan ay magpapatuloy. Ngunit kasabay ng pag-unlad ng literatura, ng adbokasiya ng akademiya at organisasyon, ng mga relihiyon (partikular ng ilang sekta tulad ng Iglesia ni Cristo na kasabay ng pagkalat sa buong mundo ay naipakakalat din ang mga komunidad na gumagamit ng mga termino at wikang Filipino), ng mga nasa puder ng kapangyarihan, at lalong higit ng komunidad na pipili, tatangkilik at magluluklok sa sariling wika nito, ay masasabing hindi pa huli ang lahat. Kahit ang ilang makapangyarihang institusyon tulad ng masmidya ay kasalukuyan ding nagtataglay ng kritikal na parte sa lunggatiing ito.


Andrew Rosario

Reaction Paper on Ostler’s “Empires of the Word”

In Ostler’s book, I noticed that he tries to uncover the different constructions or formations of different languages. He also focuses on the histories of these languages by considering the histories of the people or places themselves who or which use these languages. In studying the histories of these languages, we can see which language has been the most effective one as reflected by its security and spread or survival and growth in numbers of people who speak the language.
If people naturally struggle to claim dominance over one another, cultures also do, and languages themselves, too.
According to Ostler, there are two main causes of the spread of a particular language: sweep-aside or colonization and re-education or recruiting the local elites. The English language, like Latin by the Romans and French in the early modern period, did spread by re-education or recruiting the local elites.
I believe that in our country, the English language will not decline. And as for me, some of the Filipino languages are even much more likely to decline than English is. As Ostler says, it is possible now for large populations, of not necessarily wealthy people, to learn a language orally from an early age, if that language is associated with cultural or economic power. And as we all may perceive, the English language is so powerful when it comes to our own country’s economy. In fact, people in the provinces, like Cebu, practice their own language but are even much more aware with the English language than our own Tagalog language.
Nevertheless, language is a living thing, it matures and evolves. Thus, the endangered languages in the country, or generally the Filipino language, can be preserved through time, or it can even be developed and enhanced. In order to achieve this, we have to be able to maintain and grow the “speaker community”. After all, according to Ostler, the only threat to a language comes from a decline in speaker attitudes toward it; therefore, speakers must associate it with at least some of their daily needs or higher goals.


Relao, Eileen Kae A.

The Effects of the English Language to the Filipinos

As Rizal said before, “Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay higit pa ang amoy sa mabahong isda.” It is actually funny to hear this line especially if one does not know what Rizal meant when he said it. As a matter of fact, we were already taught of what the line means even at an early age. As I ponder on the line, I asked myself, “Why is it so important to love our own language? How is it really important to us?”
We have a long history of struggles to free ourselves from our colonizers. It even took us more years before we actually have our own official language. To have an own language is a proof that we really are a free nation. However, we could never deny the fact that people from a free country could still have misunderstandings if that said “national language” is made up of different languages and dialects. The Philippines, although it is a single nation, is comprised of large and small islands. Because of the distance between the islands, different places use different languages. Eventually, there came an agreement to form a single language to serve as our national language. That is the Filipino language.
Even though we Filipinos have our national language, as time passes by and as our neighboring countries develop, we could not avoid neglecting the importance we give to our national language especially now that we are in the face of American imperialism. Being a Third World country, the Philippines is forced to be dictated by these imperial countries. Over the course of time until now, the English language is considered the universal language.
The English language covers a wide range of universality. As a matter of fact, English should be the medium used by an author if he wants the majority of the people from different places to understand his piece. As Ostler stated, the number of speakers of a nation determines the lifespan of language. As long as there are people who continuously speak the language, its scope gets bigger and its life gets longer. The constant use of English across the world makes it better, stronger and more powerful. In our country, there is an equal importance given to the Filipino language and the English language. In fact, these two are considered the official languages of the country. But since we are not so fluent with English and only few of our people know how to use and speak it, our government encourages us to study the language very well.
What good can this foreign language do to our nation? In my opinion, there are many advantages and disadvantages of its fluent use. Firstly, if every Filipino is equipped with the knowledge to speak English, we might be more proud of ourselves. Whether we admit it or deny it, a person who is fluent in English appears to have an edge to a person who speaks in Filipino fluently. There is a misconception that if one knows how to use a foreign language so well, then that person havs a very high intellectual capacity.
Secondly, it will now be easier for us to keep up with the developments in film making and songwriting in foreign countries. Imagine, every Filipino will now appreciate watching Hollywood films just because they now understand it. Songs will be felt by heart by the mass because they can now fully-understand its lyrics. Thirdly, Filipinos will have a better understanding of the world before them. Since most of the news, speeches and announcements given by the government to the public are stated in English, if English is better understood by each and everyone including those who were not able to get a good education it will now be easier to react and have a stand on these matters. Having considered all these, English may be an instrument to our country’s progress. Foreign settlers will stay and put up businesses in the country because there will be less misunderstandings with the people. Our fluency in English may attract a large number of immigrants from different English-speaking nations.
On the other hand, if this happens, there will be a bigger question attached to our nationalism. Our love for our own language will or can be diminished by the fact that we may prefer using English in every means there is. At a certain point, if this happens, it is not impossible to completely abolish Filipino and replace it with English. Thus, Filipino will be highly inferior to English or worse, we will no longer have a language of our own. This correlates with the fact that we cannot use Filipino as a binding language anymore. Unity will now be placed on the power of the English language and our future as a nation will be determined by it. Thus, we will be manipulated by the language that is not native to us and is not ours. Actually it is the same as saying that we are under America again.
However, these are just my judgments and no one can really tell what will or can happen to the Philippines and to its people if Filipino will be replaced by English. In fact, it will be ridiculous to think about being “colonized” again. I am not saying that there is a big chance for this to happen, but what I am saying is that there are consequences in every thing we do and so we have to prioritize the things that are closer to our hearts and of course, consider what may be practical for everyone rather than think of things that are just beneficial to a small percentage of the people.
Honestly, I agree with Ostler when he said that we are all bilingual. The power of the English language may be strong but our native tongue is much powerful because we grew up speaking the language we know best. It is actually safe to say that our language will stay for long. However, we have to love it and never think of abandoning it, because as long as there are people using it and fighting for its existence, it will stay for as long as we want it to.


Katrizia Anne Manto

Pananaw 10

Sa pag-agos ng panahon, marami ang nagbabago. Marami ang napapalitan. At kung masakim man, marami ang nakakalimutan. Ngunit sa cycle na ito, ang pumalit, maging mas malawak man o mas nagdulot ng tulong sa sociodad na namuo’t namuhay kung ikukompara sa nauna, ito rin ay mapapalitan. Madaragdagan o makakalimutan.
Ayon kay Ostler, sa top twenty languages ng mundo (kabilang ang Chinese Mandarin bilang pinakamalawak, ang English sumunod, Hindi, Spanish, Russian, pababang Vietnamese at Turkish), lahat ng mga lenguaheng ito ay nagmula sa Asia at sa Europe, hindi sa America, o Africa. Sa paglawak ng mga ito mai-lilinya ang dalawang proseso: ang organic growth na kung saan ang pagtaas ng population at demographics ay tumatayong mahalagang aspeto kung saan ito nagmula pati narin ang mga pumapalibot dito; ang merger at acquisition naman ay ang pagdami ng mga mananalita sa iba’t ibang panig o discontinuous areas. Siyam sa mga kabilang sa top twenty ay nagmumula sa mga civilization na umaasa sa bigas bilang staple crop (kabilang ang Japanese at Korean). At halos lahat ng mga ito ay suma-ilalim sa centralized na authority sa mahigit-kumulang isang millennium.
Ngunit sa mga observation ukol sa top twenty na pinakamalalawak na lenguahe sa buong mundo, walang sinu-man ang makasisigurado o makaprepredikta kung ang lahat ng mga ito ay magtatagal sa listahan, kung anu-ano ang aakyat o bababa, o kung ano ang papasok at kung ano ang mawawala. Ang tanong nga ni Ostler, papaano ba malalaman kung ano ang mga kabilang mulang isang daan na nakalipas, o sa isang daang lilipas din?
Ang kadalasang nangyayari, ang populasyon ng mga ex-colony na bumahagi sa mga major languages ay lumalamang sa pinanggalingan ng mga wikang ito. Ang populasyon ng USA ay apat na beses pa kaisa sa UK; ang Mexico tatlo sa Spain; ang Brazil labimpito pa.
Sa immigration, motibong global navigation, at technology, ang mga magaganap sa kasalukuyan ay dahan-dahang maibubuklat pa. Kung ang Inggles ang siyang nananatili sa taas ng bawat commercial o scientific na kaukulan, ano ba ang ating nalalaman sa susunod na generation? Sa susunod na isandaang taon? Sa susunod na singkwuenta?
Kung i-aapply natin sa konteksto na Pilipinas, ang wikang Filipino at Inggles bilang pangunahing mga wika nito, ano ang maii-speculate natin batay sa mga pangyayaring naganap na at nagaganap sa bansa natin? Sa mga pangangailangan natin? Sa ating situwasyon? Maaaring hindi man natin mapantayan ang populasyon ng USA, lalo nang mahigitan man ito, mayroon paring porposidad ang wikang Filipino. Kung himigit man ang paghiram ng mga salita sa iba’t-ibang wika, ito ay nangangahulugan ang Filipino ay nabubuhay, yumayaman, at lumalawak pa. Sa aking palagay, ang mahalaga ay ang hindi pagtigil ng pag-unlad ng wikang Filipino sapagkat kung mayroong napapalitan, mayroong nadaragdagan.


DE OCAMPO, Kristine Raphaelle C.
08-78789 BA Creative Writing
FIL 128 Prof Campoamor

Ano ang inyong fearless forecast hinggil sa mga wika sa Pilipinas, partikular ang Ingles at Filipino?

May dalawa akong kasagutan ukol sa katanungang ito na ibabatay ko sa magiging takbo ng lipunang Pilipino at maging ng kahihinatnan ng mundo sa mga darating na taon. Isa sa mga pinakaimportanteng lalamanin ng sagot ko ang pagkakaroon ng lipunang pagbabago sa paraang rebolusyonaryo o maaari rin namang matagal pa itong mangyayari na sa tingin ko’y isang malaking puwersa upang mabago ang estado ng paggamit ng wika sa bansa. Una kong isasalaysay ang kahihinatnan ng mga wika sa Pilipinas at ng wikang Ingles na ginagamit sa bansa. Sa panahon ngayon litaw na litaw na ang pangangalampag ng iba’t ibang grupong kumukondena sa pamahalaang pinatatakbo ng imperyalistang Amerikano na pinamamahalaan ng mga pasistang papet ng bansang ito. Ika nga mala-kolonyal at mala-piyudal kung tutuusin ang bansang Pilipinas dahil sa mga puwersang humahawi upang matutong makatayo ng tuwid ang ekonomiya ng ating bansa. Saad nga sa aklat na Lipunan at Rebolusyong Pilipino hindi makakamit ng bansa ang tunay na pagbabago at pagsasarili kung ang mga puwersang ito ang kumukontrol sa atin. Kung magtagumpay man ang mga grupong nagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan laban sa mga puwersang ito ay magiging isang daan upang bumangon na ang bansa kasabay ng pagpapagamit ng mga wika sa Pilipinas bilang mga wikang tatak ng ating mayaman na kultura. Isinusulong din kasi nito ang rebolusyon hindi lamang sa pulitika at ekonomiya kundi pati na rin sa kultura o tinatawag na cultural revolution. Itinatangi na tanging kulturang Pilipino kasama na ang mga wika ang dapat ginagamit ng mga Pilipino marahil kasama na rito ang nakatakdang pambansang wika na Filipino. Kung gayon magiging maunlad na uli ang paggamit ng mga wikang indigenous dahil mismong ang gobyerno na ang magtataguyod ng ganitong programa

Ngunit kapag hindi nagtagumpay ang demokratikong rebolusyong bayan magiging isang bansa tayo na mawawalan ng maraming wika kasama na ang Filipino sa dahilang ang Ingles na lamang ang pangunahing gagamitin. Saad nga ni Nicolas Ostler mayroong tatlong sangkap kung bakit ang Ingles ang patuloy na itinatanging lingua franca sa mundo mayroon daw kasi itong populasyonng gagamit ng wika, ang posisyon nito bilang wikang ginagamit sa pandaigdigang merkado at pagnenegosyo at higit sa lahat ang pagiging prestihiyoso ng wika. Sa pagkakaroon ng konotasyon ng pagiging prestihiyoso ng Ingles nalalantad ang hindi na pantay na pagtingin ng tao sa wika at kaakibat na nito ang pagiging isang matalino, mayaman at kabilang sa mga may kinabukasan sa mundong dinodomina ng mga bansang nagsasalita ng Ingles. Ngunit ayon na nga rin kay Nicolas Ostler maging ang Ingles ay walang ligtas na maging isang wikang makalimutan na ng mga taong gamitin. Kung ganito ang kahihinatnan magiging isang bansa tayong gagaya na lamang ng wika at gamitin ito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Nawalan na tayo ng sariling wika, nawalan pa tayo ng identidad at maging ng bansa. Ayon nga kay Propesor Campoamor, masyado nang mahaba ang buhay ng Amerika ,pangunahing bansang Ingles ang sinasalita, bilang isang imperyo kaya naman ayon din kay Nicolas Ostler kung nasa tuktok na wala nang ibang daan kundi ang bumaba. May iba’t iba siyang pinunto kung paanong babagsak ang wikang Ingles isa nga rito ay ang pagbaba ng populasyon ng mga taong nakakapagsalita ng Ingles dahil sa epidemya, pinupunto niya rin ang pagbabago ng lipunang magisip bilang isang malayang estado at pagtatakwil sa mga dayuhang konsepto gaya ng Ingles dahil bebenepisyuhan lamang nito ang mga mayayaman at may kayang mamamayan. Isinaad niya rin na ang Ingles na ginagamit sa ibang bansa ay maaaring magbago at magsibol pa ng bagong pamilya ng mga wika. At ang pinakamahalaga sa lahat ang kontrol nito sa ekonomiya ng mundo na ang pagbagsak ng ekonomiya ng Amerika ay may kaakibat na epekto sa pagbagsak ng wika nito. Sa mga paktor na ito iisa lang ang mayroon ang Pilipinas at ang populasyon na may kahinaan din upang makalimutan natin ang wika.Sa aking pagsusuma magiging barko ang Pilipinas na paalon-alon sa dagat na gagamit na lamang ng wikang itatakda ng makapangarihang mga bansa.


Hans Kevin R. Madanguit

Pananaw 9

Maituturing nating esensyal na bahagi ng buhay ng tao ang wika. Sa pamamagitan ng wika nagagawa nating ipahayag ang ating mga sarili at saloobin. Sa tulong rin ng wika ay nagagawa nating episyenteng makisalamuha sa iba pang tao o grupo ng mga tao. Dahil dito, masasabi nating mayroong direktang epekto at ugnayan ang wika at lipunan—kabilang ang mga tao at mga relasyon sa loob nito. Ganoon pa man, hindi taliwas sa atin na sa mundong ito ang tanging permanente ay pagbabago; ang wika ay hindi makakaiwas dito. Sa katunayan, sinabi ni David Crystal na “language changes because society changes.”
Ang tinuturing na pambansang wika ay Filipino habang kabilang naman sa opisyal na wika natin ang English. Dito pa lamang, kahit papaano’y maaari tayong makabuo ng ideya o pagtingin sa kung paano ang takbo ng buhay sa ating lipunan at kung paano natin matatanaw ang maaaring kahinatnan ng mga wika sa loob ng lipunang ito. Maraming salik ang maaari nating isaalang-alang upang tukuyin ang maaaring kahantungan ng mga wika sa Pilipinas partikular na ang Filipino at English. Sa sinabi ni Crystal na masasabing buhay ang isang wika kung mayroong native speaker nito na gumagamit ng partikular na wikang ito. Nakita kong mayroon itong kinalaman sa populasyon sa tulong na rin ng mga ideya ni Ostler partikular na ang ideya niya ng organic growth kung saan sinabi niyang salik sa paglaganap ng isang wika ang pagtaas ng bilang ng populasyon sa pinagmulan ng wikang ito. Hindi lingid sa atin ang pagtaas ng ating populasyon. Kasabay nito ay ang pagbaba ng kabuhayan sa ating bansa—samakatuwid ay kahirapan. Ang kahirapang ito ay salik sa pagtaas ng mga gumagamit ng Filipino [sa halip na English]. Kaugnay pa nito, marami ang dumaragsa sa National Capital Region—kung saan Filipino ang pangunahing wika—mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang dito makipagsapalaran. Ayon din kay Crystal, mahalagang salik ang pulitika at ekonomiya sa takbo ng wika—kung lalawig ba o kung mamamatay. Sa ngayon, kung titingnan, makikita nating lubos ang panghihikayat na gamitin ang English lalo sa mga eskwelahan at opisina. Ganoon pa man, dahil sa dumaraming bilang ng mahihirap sa bansa, nakikita kong bagamat tumataas ang bilang ng populasyon, kung tataas naman ang bilang ng hindi nakakapag-aral, malaki ang posibilidad na bumaba ang bilang ng mga mayroong kakayahang gamitin ang English.
Miski pa sinabing mahalagang salik sa pagkalat ng wika ang kalakalan, matatanto nating sa ating kasaysayan, bagaman mayroon tayong malawak na pakikipagkalakalan sa iba’t ibang bahagi ng mundo—na nagpapatuloy hanggang ngayon—makikitang hindi ito gaano naging epektibong paraan sa pagkalat ng ating wika. Marahil dito papasok yung sinabi ni Ostler na “When the market disappears, or others muscle in, the language too is dropped.” Marahil, ang pagkabigong ipakalat pa ang Filipino ay epekto ng katotohanang bagamat hindi pa gaanong established ang ugnayang pangkalakalan natin sa ibang lahi, madali itong nagwawakas at kadalasan pa ay tayo ang nasa mas mababang antas sa pagitan ng mga nagkakalakalang bansa. Ganito rin naman ang maaaring maging sanhi ng pagkawala ng paggamit ng English lalo dito sa bansa. Maaaring makapangyarihan ngayon ang English sa mundo ng kalakalan ngunit alinsunod sa sinabi ni Ostler na “trade patterns change over time and a trade connection alone will not guarantee a language community.” Maging ang mass media ay maaaring nakatutulong sa paglaganap ng isang wika. Maaaring maging tool ito upang mas madalas ang encounter sa isang wika. Sa aspetong ito, maaaring lamang ang Filipino sapagkat bagamat mayroong mga umuusbong na dayuhang palabas, mas pipiliing tangkilikin yaong mga palabas na madaling unawain.

Bilang pangwakas, nakikita kong sa hinaharap ay mayroong mas malaking potensyal na manatiling buhay ang wikang Filipino sa ating bansa. Mabibigyang hulma ito ng mga pagbabago sa populasyon, ekonomiya at maging ng exposure sa wika.


Mia Catherine B. Alderite

Ang Pambansang Wika ay Kopya mula sa Isang Wikang Banyaga

Sa artikulo na isinulat ni Nicholas Ostler naging mapangahas siya sa pagsuri at pagaanalisa ng mga ideya patungkol sa wika sa mundo kumpara sa papel ni David Crystal na mas sumentro lamang sa pagbibigay ng mga pangunahing datos ng mga wika sa mundo (hal.lukasyon, mga nagsasalita, populasyon at iba pa). Binalikan ni Ostler ang nakaraan ng isang wika upang maanalisa at maikonekta ito sa kasalukuyang estado na tinatamasa nito. Gamit ang ganitong paraan, nagawa niyang makapagbigay ng mga eksaktong halimbawa na nakapagbigay naman ng mga konkretong ideya sa mga posibleng mangyari sa iba't ibang wika ng mundo sa hinaharap partikular na sa Ingles.
Sinimulan ni Ostler ang diskusyon sa pamamagitan ng paglalahad sa pinanggalingan ng dalawampung nangungunang wika sa mundo na sinasabi niya ay nagsimula ang mga ito sa Asya o sa Europa. Ayon din sa kaniya, mayroong dalawang klasipikasyon ang wika, una ang tinatawag niyang `Organic growth' o mga wika na lumalaki sa pamamagitan ng pagtaas ngpopulasyon at pangalawa ay ang mga wikang umunlad sa pamamagitan ng `merger and acquisition' (pagsasama-sama at pagkuha) tulad ng nangyari sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsakop ng iba't ibang bansa noon.
Naniniwala ako sa nasabi ni Ostler na isa ang Populasyon sa mga rason sa pagbabago ng estado ng isang wika. Sa populasyon pa lamang matutukoy na natin kung ano ang kasalukuyang estado at mga posibleng mangyari sa isang wika sa hinaharap. Simple lamang ang logic dito, kung malaki ang populasyon ng isang bansa na nagsasalita ng isang partikular na wika ibig sabihin lamang ay malaki ang tiyansa ng wika na umunlad at magtagal dahil marami ang gumagamit nito, ngunit kung paubos na ang populasyong gumagamit nito, kasabay din nito ang pagkamatay ng partikular na wika dahil sino pa ang magsasalita at gagamit nito kung wala ng may alam?
Sa kabilang banda, alam natin na sa kasalukuyang panahon kung saan sentrong usapin ang globalisasyon, hindi maipagkakaila na ang Amerika ang may hawak ng titulo na pinakamakapangyarih ang bansa sa buong mundo. Alinsunod sa penomenang ito, kasabay ng tinatamasang karangyaan at kapangyarihan ng bansa, ang kanilang wika na Ingles ay nakikinabang din sa tinatamasa ng bansa. Ngunit ating iisipin hindi lamang basta basta nakuha ng Amerika ang kanilang estado bagkus napasakamay nila ito sa pamamagitan ng pagpapalakas ng pwersa, pagpapaganda ng ekonomiya, pangunguna sa proseso ng globalisasyon at kahit sa pagamit ng kanilang wika sa pagyuyunipika ng bansa upang lalo itong tumibay. Malakas lamang ang wikang Ingles dahil malakas ang mga nasyon na gumagamit nito. At dahil sa tinatamasang karangyaan ng wikang ito, marami sa mga bansa tulad na lamang ng Pilipinas ang nagaaral at nagpapaunlad sa wikang ito na may layuning na makasabay o makapantay sa proseso ng globalisasyon. Kulang na nga lamang ay gawing Ingles din ang pambansang wika ng Pilipinas dahil mas binibigyan pa ito ng prayoridad sa sistema ng edukasyon ng bansa. Ngunit katulad ng napagdiskusyunan sa klase, ang lahat ng wika ay nagbabago kasabay ng pagdaan ng panahon. Maaaring ang wikang Ingles ngayon ang nangunguna dahil malakas ang mga bansang gumagamit nito, ngunit naniniwala ako na hindi panghabambuhay ang ganitong sitwasyon. Maaring sa mga susunod na mga taon, unti-unting mapantayan ng mga nangungunang bansa ang ekonomiya ng Amerika sabayan pa ng dagdag populasyon ng isang bansa baka maungusan pa ang wikang Ingles. Sa panahon ding iyon, sa aking palagay sasabay muli ang Pilipinas sa pag-aaral ng wikang banyaga na mangunguna dahil madalas tayo ay gumagaya lamang sa kung ano ang uso sa kasalukuyan at ni minsan hindi nakikita na ang isa sa posibleng solusyon sa problema ng pagkakaisa sa bansa ay ang pagsisimula sa pagpapaunlad ng sariling wika at hindi pagkopya sa iba.


Jhoanna Marie A. Del Ponso

Pananaw 8

Maraming nabanggit si Ostler na mga pahayag hinggil sa iba’t-ibang wika sa mundo na nangyayari din sa mga wika sa ating bansa. Isa sa mga benignity ni Ostler ay ang pamamayagpag ng Wikang Ingles na kalaunan ay mawawala narin. Totoo nga na dito sa ating bansa, ang mga may pera at malalakas lang ang may kakayahan upang makapag-aral ng Wikang Ingles. Napakataaas ng binibigay na importansya ng Pilipinas at ng mga Pilipino dito sapagkat Ingles ang lingua franca sa buong mundo. Nasabi din ni Ostler na isa sa mga factor ng pagpapanatili at pagpapalaganap ng wika ay ang tinatawag na kalakalan o trade at sinasabing ang wika na ginagamit ng mga tao sa lugar ng sentro ng kalakalan ang siyang mas nakaaangat. Gaya na lang dito sa Pilipinas, isa sa mga dahilan kung bakit Tagalog ang ating Pambansang Wika noon sapagkat Tagalog ang pangunahing wikang ginagamit dito sa Maynila na siyang sentro ng Pilipinas. Subalit ngayon Filipino na ang ating Pambansang Wika.
Ang ating mga katutubong wika ay naipapasa at natututunan ng mga bata ng hindi nila mamalayan, ang pagiging expose dito ay malaking tulong upang matuto ang isang tao sa wikang hindi niya kinagisnan, iyan ay nabanggit din ni Ostler sa kanyang libro.
Ang lahat ng mga pangyayaring sinulat ni Ostler hinggil sa mga wika ngayong sa daigdig ay pawang totoo sapagkat iyon ang nakikita natin at nasusuportahan ng mga detalye ang kanyang mga pahayag at ang kanyang paghula sa kung ano ang kahihinatnan ng mga nangungunang lingua ngayon ay maaaring tunay na mangyayari. Pangahas man siyang nagbigay ng prediksyon, hindi natin maikakaila na kung ano man ang mangyari sa iba’t-ibang wika sa mundo, ang wikang Filipino parin ang siyang dapat nating pagyamanin at higit na bigyang pansin.


JESSICA CARMELA D. FLORES

Thursday, December 3, 2009

Ang kinabukasan ng wikang Filipino

Maganda ang naging pagtalakay ni Ostler sa kanyang librong 'Empires of the Word' ng pag-aanalisa ng kinabukasan ng mga wika sa mundo partikular sa Ingles. Naging mapangahas siya sa pagbibigay ng opinyon sa kung ano ang magiging kalagayan ng mga pangunahing wika ngayon sa hinaharap. Naging malinaw kay Ostler na alam niyang ang wika ay nagbabago at ito ay depende pa rin sa tao.
Naging partikular si Ostler sa Ingles dahil sa ito ang wikang may pinakamaraming tagapagsalita bilang pangalawang wika at ito rin ngayon ang wika ng globalisasyon. Sinasabi ni Ostler na ang Ingles ay hindi rin magtatagal bilang wikang may pinakamaraming tagapagsalita ibatay man ito sa populasyon o sa popularidad. Para sa akin ay matapang ang argumentong ito dahil nga sa lawak ng saklaw ng Ingles (at nang popularidad nito sa iba't ibang bansa).
Kung akin namang gagawan ng pag-aanalisa sa kung ano ang magiging kinabukasan ng wikang Filipino sa mundo—kung ito man ay magiging isa sa mga pangunahing wika sa mundo o matatabunan ba ng ibang wika—magbibigay rin ako ng mga punto o batayan sa aking bawat argumento.
Kung pagbabatayan ang bilis ng paglaki ng populasyon ng Pilipinas, migrasyon at ang unti unting pagiging kilala nang ating bansa dahil sa iba't ibang kadahilanan, masasabi kong maaaring tumaas ang bilang nang tagapagsalita ng Filipino sa buong mundo. Kung sa ngayon ito ay nasa ika-51, maaaring tumaas ito sa ika-45. Nalaman kong sa mga bansang Estados Unidos, Australya, Kanada, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Hapon at Nagkakaisang Kaharian ay mayroon ding mga tagapagsalita ng Filipino.
Hindi natin maaaring pagbatayan ang politikal dahil sa ang ating opisyal na wika ay hindi eksklusibo sa Filipino; impluwenysang ekonomikal at militar dahil sa hindi magandang kalagayan ng bansa ngayon; at ang tinatawag ni Ostler na prestige: ang kaugnayan ng wika sa kayamanan at kaginhawaan.
Naniniwala akong magkakaroon nang isang malaki o maraming unti unting kaganapan na makapagbabago sa estado ngayon ng wikang Filipino sa mga susunod na panahon. Ang tangi kong nakikitang problema ay ang pagtingin natin sa ating sarili; dahil marami mang mga Pilipino ang nasa iba't ibang bansa na makapagbibigay sa atin ng oportunidad na maibahagi ang ating wika, kung hindi naman natin ito gagamitin dahil sa kahihiyan natin na makilala bilang Pilipino, ay wala ring mangyayari. Sa aking palagay, kaya lumawak ang saklaw ng Ingles ay dahil sa ang mga tagapagsalita nito ay bilib sa kanilang wika. Nasa ating pagka-Pilipino ang susi. Kailangang makita ng iba na maganda at makulay ang ating wika at kultura. Hindi tayo dapat basta bastang gagamit ng ibang wika na papasok sa ating bansa.
Naniniwala akong wala mismo sa wika ang makapagsasabi nang kanyang kapalaran—wala sa istruktura, bokabularyo o gamit—nasa mga tagapagsalita pa rin ito at sa kulturang kakabit nito.


Galfo, Honeylen Mei C.
2007-53918

Pananaw 7

Nasabi sa sinulat ni Nicholas Ostler na ang kinabukasan ng wika ay nakadepende sa bilang ng populasyon na gumagamit nito at pati na rin sa mga bagong maninirahan (migrante o kolonisador) sa isang lawak ng lugar.Kasama rin dito ang posisyon bilang wikang ginagamit sa paghahangad sa sa kapangyarihan at yaman at ang pagiging prestihisyoso ng wika.

Sa kaso ng wikang Ingles bilang wika na pumapangalawa sa buong mundo, pagkatapos ng Mandarin Chinese. Makikita na tulad siya ng isang stock sa merkado na may mataas na value, sa ngayon, sapagkat ito ang ginagamit na salita upang mapalawig ang pakikipag-ugnayan sa buong mundo. Ang Ingles ay nakikita bilang isang medium sa madaming oportunidad, lalo pa’t ang mundo ay pinaghaharian ng imperyalistang kapitalistang Amerika. Pinamumugaran pa ng mass media at kulturang popular ang ating lipunan.

Sa opisyal na wika sa Pilipinas, ang Filipino at Ingles, ano nga ba ang naghihintay na kapalaran sa kanila? Unahin natin ang wikang Filipino. Subukan nating haluan ng demograpiya. Ang fertility rate ng Pilipinas ay 3.23 na halos malapit na sa porsiyento ng Pakistan. Ang maaring epekto nito ay magkakaroon ng malaking pag-angat sa bilang ng mga gagamit ng wikang Filipino. Naniniwala ako, at siguro pati na rin ang nakakarami na ang media- dyaryo, radyo, telebisyon at ngayon cyberspace- ay may malaking impluwensya sa tao, lalo na sa wika. At dahil dito masasabi natin na naipapalawig nito ang paglaganap ng wikang Filipino. Nabanggit ni Ostler na halos lahat ng tao ay bilingual. Kahit anong mangyari, kahit araw-araw tayong naambunan ng presensiya ng wikang Ingles, hinding-hindi mawawala kung ano man ang ating sariling wika. Kaya para sa akin, mananatiling buhay ang ating wikang Filipino. Ngunit nabanggit naman ni Crystal na ang wika ay daynamiko, patuloy itong nagbabago at magbabago. Doon, pumapasok ang tanong, hanggang sa ano at saan ba ang kayang pagbabago ng ating wikang Filipino sa nagbabago rin nating lipunan. Yun lang. Samantala, mayroong hindi maiiwasang tanong sa wika ng Filipino. Ano nga ba ang wikang Filipino? Sa ngayon kasi marami na ang mga pagbabago sa ating wika. Napaghahalo na ang wikang Ingles sa Filipino. Ang nangyayari ay nagkakaroon na malaking paghalaw mula sa Ingles papunta sa Filipino.

Sa kaso ng Ingles sa konteksto ng Pilipinas, hinding-hindi mawawala ang wikang ito sa atin hanggang nariyan ang hangarin natin na makaabot sa bawat parte ng mundo. Gayundin, ang pagtingin na ang Ingles ay isang susi upang maging isang kompetitiv na bansa sa buong mundo. Sa ngayon, marami na ang mga Koreano na nagsusulputan sa ating bansa. Dahil dito, usong-uso na ang pagtuturo sa kanila ng Ingles na ginagawang hanapbuhay o raket ng ilang Pilipino. Nakakadagdag din sila sa bilang ng mga nagsasalita ng wikang Ingles sa ating bansa. Kung hindi Filipino, ang wikang Ingles ang nag-uugnay na wika sa kanila upang magkaintindihan at mabuhay sa ating bansa.

Samantala, nariyan ang isyu ng pagbaba ng antas ng pagiging magaling sa Ingles, matapos tayo kilalanin bilang world’s best English speakers. Pumapasok ang usapin kung maikokonsidera ba sa bilang ng nagsasalita ng wikang iyon, ang isang persona na hindi maayos ang kanyang gramar o hindi ganoon kagaling magsalita. Sa sitwasyon ngayon, hindi maikakaila na marami sa atin ang nakakaintindi ng Ingles pero hindi naman nakakabuo ng maayos na pagkakayos ng salita kung iba-base sa pamantayan ng wikang Ingles mismo. Kung masasabi na hindi kasama sa bilang ang hindi matatas magsalita ng Ingles, maaring tuluyan na ngang bumagsak ang wikang Ingles sa Pilipinas. Lalo na’t kung magaganap ang hula mawawala sa trono o babagsak ang wikang Ingles, tulad ng wikang Pranses, sa buong daigdig.

Hindi na rin mabibigyan ng halaga ang wikang Ingles at maaaring magbigay ng malaking epekto sa wikang Filipino. Ito nga ay dahil sa ngayon ang wikang Filipino ay nagiging “shake” na ng Ingles at Filipino. Kung magiging Chinese man ang papalit sa trono ng Ingles, dahil nagiging malakas na rin sila, hindi lang sa bilang, kung hindi pa na rin sa mundo ng komersiyo, baka magkaroon na naman ng bagong flavor ang wikang Filipino.

Sa kabilang banda, makikita pa rin na nasa isang pattern pa rin ang palakasan sa wika. Maliban sa bilang ng nagsasalita ng wika, mas may malalim pa na elemento na nagdidikta kung sino ang mananalo. Ang halos nangingibabaw dito ay ang kapangyarihan at pera.


TUMAQUE, QUEENE DIANE D.

Pananaw 6

Ang wikang Filipino ay isang napakabatang wika na marami pang pagdadaanan. Ito’y nakabase sa wikang Tagalog at iba pang wikang Pilipino. Humihiram din ito ng ilang elemento sa ibang wikang dayuhan tulad ng Inggles, Espanyol, at Intsik. Filipino at Inggles ang kasalukuyang opisyal na wikang ginagamit sa Pilipinas. Ang mundo ngayon ay nakakaranas ng mabilis at malawakang pagbabago. At kabilang na dito ang pagbabago sa mga wika. Ano nga ba ang maaring kahihinatnan ng mga wikang ito sa Pilipinas?
Sa kasaluyan, nasa humigit-kumulang 92 milyon na ang populasyon ng Pilipinas at patuloy itong lumalago ng halos 2 porsyento taon-taon. Nasa pang-12 nang pwesto ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa ayon sa laki ng populasyon. Halos 90 milyon sa mga Pilipino ang nakakaintindi at nakakapagsalita ng Filipino. At maaring kasabay nitong paglaki, o pagsabog, ng populasyon ang siya namang organikong pagusbong ng wikang Filipino. Habang lumalaki ang populasyon ng isang linggwistikong grupo natural lamang na dadami ang mgatagapagsalita ng wikang iyon at patuloy rin na magkakaroon ng mga pagbabago sa wika iyon.
Umaabot na sa 11 milyon ang mga Pilipinong nasa ibang bansa. Kung magpapatuloy ang pagdami ng mga Pilipino sa mga ibang bansa malaki ang magagawa nito hindi lang sa pagpapanatili kundi pati na rin sa pagpapalaganap ng wikang Filipino sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Ayon kay Ostler, ang migration ng tao ay isa sa mga pinakamakalakas na pwersang nakakatulong sa pagpapalaganap ng isang wika. Ngunit di kagaya ng ibang mga kultura, mas madaling makisama ang mga Pilipino at dahil dito maaring mas piliin nilang magsalita ng Inggles o ibang dayuhang wika kapag sila’y nasa ibang bansa. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin maiiwasan ang pagimpluwensya ng wikang Filipino sa mga dayuhang wika. Maaring hindi ganoong kapansin-pansin ang magiging impluwensya ng wikang Filipino sa ibang wika pero siguradong mag-iiwan ito ng marka sa “subconscious” ng mga ito.
Hangga’t nananatiling wika ng globalisasyon ang Inggles magiging matindi ang kapit nito sa hindi lang sa Pilipinas kundi sa napakarami pang ibang bansa. Bilang wika ng komersyo, maraming tao ang nagnanais makakuha ng magandang edukasyon sa Inggles. Inggles din ang pangunahing wika sa popular na kultura ngayon sa mundo kaya’t walang talagang takas ang mga tao dito mapa bata man o matanda. Ito ang dahilan kung bakit mayroon tayo ngayong Taglish. At kahit ang wikang Filipino maraming hiniram na salita sa Inggles. Pero kung titingnan natin, maari itong senyales ng paghina ng purong wikang Inggles. Posibleng tinatahak ngayon ng Inggles ang landas na siyang tinahak noon ng Latin. Nagkakaroon na ng iba-ibang bersyon nito sa buong mundo dahil sa pagkakahalo nito sa ibang mga wika.
Pangunahing kumpetisyon ng Inggles ngayon ang wikang Mandarin ng mga Intsik. Mahaba na rin ang kasaysayan ng mga Tsino at Pilipino at patunay nito ang impluwensyang Intsik sa ating kultura at sa wikang Filipino. Kung dumating ang panahong pataubin ng Mandarin ang Inggles, ano kaya ang magiging epekto nito sa wika sa Pilipinas? Mapapalitan kaya ng “Tagdarin” ang Taglish? O “Mandalog” kaya?
Kilalang mga survivor ang mga Pilipino, at katulad ng mga tagapagsalita nito matagal pang mananatili ang wikang Filipino sa mundo. Maaring malaki ang ipagbago ng anyo nito sa hinaharap, pero hindi pa ito tuluyang mabubura sa mundo.


Durell Despi

Pananaw 5

Ang wika ay napaka-natural o palasak na para sa mga tao dahil ginagamit ito sa iba’t ibang pagkakataon; maaaring para sa pagpapahayag ng saloobin, o sa interaksyon sa kapwa, pagtala ng mga datos, at marami pang iba (na nabanggit ni David Crystal). Ngunit dahil sa pagka-palasak nito sa mga tao, karamihan ay hindi naman na inaalam pa kung kalian o kung saan nagmula ang wikang kanilang sinasalita. Bukod pa rito, hindi rin naiisip ng marami ang hinaharap ng mga wika. Kung mayroon mang nagbibigay pansin dito, masasabing iilan lamang sila, at isa na rito si Nicholas Ostler. Ayon kay Ostler, ang Ingles bilang pangalawa sa Top Twenty Languages ay maaaring matulad sa wikang Latin na itinuturi ng patay. Kung ganito ang posibilidad ng kahihinatnan ng wikang malawakang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng mundo, paano pa kaya ang mga wika sa Pilipinas na hindi kabilang sa may pinakamaraming bilang ng nagsasalita?
Kung titingnan ang lagay ng bansa, makikitang ang wikang pangunahing pinalalaganap ay ang Filipino at Ingles. Ang Filipino ay karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap ng maraming Pilipino, at ito rin ang wikang naiintindihan sa iba’t ibang parte ng bansa (kahit pa hindi ito ang kinagisnan o unang natutuhang wika.) Sa kabilang banda, ang Ingles naman ay binibigyan din ng malaking papel lalo na bilang isang “medium of instruction” sa mga paaralan, bilang isang rekisito para sa ilang mga trabaho, sa mga usapang nagaganap sa senado o kongreso, at marami pang iba. Maliban sa dalawang wikang ito, mayroon pang mga rehiyunal na wika ang bansa, subalit hindi naman gaanong napapansin ang ilan sa mga ito lalo pa kung ito ay wika ng mga grupong etnikong nakatira sa malalayong lugar.
Sa mga wikang ginagamit sa bansa, masasabing mananatili pa rin sa hinaharap ang Filipino at ang Ingles. Sa ngayon, mas “exposed” ang mga tao sa mga wikang ito lalo pa at ito ang ginagamit ng media. Ang Ingles ay masasabing hindi basta-basta na lamang mawawala o makakalimutang gamitin sa kadahilanang simula noong pananakop ng mga Amerikano hanggang sa kasalukuyan ay tingin ng maraming Pilipino na isang superyor na wika ang Ingles (kahit hindi naman dapat). Tinitingnan ang mga marurunong nito bilang magagaling at matatalinong tao. Bukod pa rito ay pinapaboran din ng mga nasa kapangyarihan ang paggamit nito upang makasabay sa globalisasyon. Kaya naman ang mga bata ay tila hinahasa sa pag-Iingles kaysa sa sariling wika upang makapagtrabaho sa ibang bansa o sa mga call centers. Ganito man ang estado ng Ingles sa bansa, ang Filipino naman ay may pag-asang manatili pa rin dahil sa hindi pa ito tuluyang napapangibabawan ng wikang Ingles kahit pa mas itinuturing bentahe ang pagiging maalam sa banyagang wikang ito. Marami pa rin ang nagsasalita ng Filipino at hangga’t mayroong gumagamit nito ay patuloy itong magbabago at uunlad dahil sa kakayahan nitong makiayon sa pagbabago ng panahon. Kung kaya nitong makapagdagdag ng bokabularyo ngayon (hal. mula sa ibang mga wika) ay maaaring makakayanan pa ring manatili at magtagal ng wikang ito.
Mamamatay lamang ang Filipino kung hahayaan ng mga taong maisantabi ito at mas pahalagahan ang ibang wika. Ayon nga kay David Crystal, “If a language dies out, it does so because its status alters in society, as other cultures and languages take over its role.” Sa madaling salita, nasa lipunan din nakasalalay ang magiging kapalaran ng mga wika sa bansa. Kung mas paiiralin ang paggamit ng Ingles, malamang ay mamamatay rin ang mga wikang kakaunti lamang ang nagsasalita dito sa bansa, at kung tumindi pa ang alyenasyon ng mga tao ay kaya nitong patayin kahit pa mismo ang wikang Filipino.

Pananaw 4

The history of language is also a history of its speakers, reflecting the power, culture, conquests, prestige and occasionally the declining fortunes of its users. Through the study of its languages, we find a potted history of the world itself. Empires of the Word is the first and only book to recount this remarkable story in all its glorious variety. It reveals the amazing innovations in education, culture and diplomacy devised by speakers in the Middle East; surveys the uncanny resilience of Chinese throughout twenty centuries of invasions; charts the progress of Sanskrit from north India to Java and Japan; describes the struggle that gave birth to the languages of modern Europe; and measures the global spread of English. And it shows us that the languages of the future will, like the languages of the past, be full of surprises. By Ostler…

Iyan ay ang mga nilalaman ng akda ni Ostler kung ihahambing sa Pilipinas ay tulad din ng sinasabi niya na magbabago rin ang wika kasabay ng pagbago ng lipunan
magbabago pero hindi mawawala halimbawa magbabago rin ang wika kasabay ng pagbago ng lipunan magbabago pero hindi mawawala halimbawa english, filipino whatever lahat reflection nga ng lipunan so kung wala yung factors na nangangailangan para sa wika na iyon, mawawala din yung pagkatanyag ng isang bansa maging ang wika nito dahil nga ang wika nga ay buhay at dinamiko pero pano ba magbabago o uunlad ito kung hindi gagamitin social, economic at political factors pero matagal itong proseso
ang pagbabago rin ng lipunan ay matagal hindi mabilis marami ang makakaepekto
Sa kaso ng Pilipinas kung mawawala ang Filipino o English ay magkakkaroon o makaklikha ito ng bagong wika na masasabi kong manganganak ito tulad ng sa latin na nanganak ng german atbp, na kung ano mang wika ang available at ginagamit nung mga tao sa gitna ng pagbabago pwedeng evolved na filipino ito mode of production dictates the kind of society a civilization will have, halimbawa ulit, ang pilipinas ay malakolonyal at malapyudal ang katangian. ang wika natin ay nakaangkla sa pyudal na relasyon ng mga tao, nakatali sa lupa. kaya ang pagunlad ng wika natin ay nakabatay sa relasyon natin sa lupa. ngunit, sa pagkakaroon ng malakolonyal na katangian natin, inggles, kastila atbp kasama ang epekto ng globalisasyon o ang imperualismo ng mga kapitalistang bansa, nagiiba ang ating wika upang pagsilbihan ang komersiyalisado nitong pangangailangan


Jaybee Coronel
2009 79038
Dr. Siao Campoamor
University of the Philippines-Diliman
Fil 128

Pananaw 3

Isa sa usaping hindi matapos tapos sa ating bansa ay ang usapin ukol sa wika. Matagal ng pinagdedebatihan kung ano nga ba ang wika na dapat gamitin sa iba't ibang aspeto ng buhay na mga PIlipino. Isa sa mga nabanggit ni Nicholas Ostler ang nais kong pagtuunan ng pansin dahil masasabing maari ito maibagay sa konteksto ng Pilipinas. Nabanggit niya na maraming katanungan at criteria ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng wika. Ngunit kanyang sinabi na isa sa mga napansin niya sa wika na kadalsan na napagtutuunan ng pansin ay base sa mga polisiya na pinapatupad at dahil dito ang standard na napipili ay yung wika na ginagamit sa national capital. Nagbigay siya ng mga ilan halimbawa na maaring magpatunay sa obserbasyong ito. Maaring din maihalintulad ang kasalukuyang kalagayan ng wika dito sa ating bansa. Ang sentro ng bansa sa kasalukuyan ay ang Metro Manila, at masasabing ang dominanteng wika dito ay Tagalog at maaring masama na rin ang wika Ingles. Sabi nga ni Ostler " In the political economy of languages, it pays to be the dialect of a city that becomes a national capital..." Sa kasalukuyang kung nasaan ang kapangyarighan sa lipunan iyon ang siyang nagtatakda at sinusunod.
Ang pagbabago ay kailanman hindi maiiwasan. Kahit anong mangyari sa hinaharap nariyan palagi ang pagbabago. Tulad sa wika, sampagdaan ng panahon marami ang nagbabago, maaring ang pagpapakahulugan natin sa isang salita ay maging iba sa susunod na henerasyon. Parehong nabanggit ni David Crystal at Nicholas Ostler ang hindi maiiwasang pagbabago ng wika sa hinaharap. Sabi nga ni Crystal na kung patuloy ang pagbabago sa lipunan patuloy din ang pagbabago sa hinaharap. Magkahawig ang konseptong nais iparating ng dalawang eksperto ngunit mas masasabing mas tahasan at direktang nagbigay ng mga prediksyon si Ostler. Kanyang pinagtuunan ang maaring kahinatnan na wikang Ingles sa patuloy na pagbabago na nangyayari sa buong mundo. Ayon kay Ostler ang kasalukuyang estado ng wikang Ingles sa buong mundo ay sinusuportahan ng tatlong elemento: populasyon, posisyon at prestige, dahil sa tatlong ito nananatiling makapangyarihan ang wikang Ingles. Nabanggit rin ni Crystal na sa hinaharap may mga iba't ibang elemento na maaring magpabago sa kasalukuyang posisyon ng wikang Ingles at ang ilan dito ay ang mga negatibong reaskyon ng ibang bansa sa Ingles, patuloy na pagbabago sa populasyon sa buong daigdig at ang posibleng paghiwawalay ng mga dayalek. Ngunit ayon sa kanya sa huli ay masasabing Ingles pa rin ang siyang mananaig na wika. Ngunit para kay Ostler na maaring iba ang kahihinatnan ng wikang Ingles sa hinaharap dahil ayon sa kanya na maraming tao sa mundo ang bilingual, at sa pagiging bilingual ang isang wikang ginagamit ay bilang lingua franca lamang o para sa interkomunikasyon ngunit sa pang araw-araw na buhay ay ang wikang kinagisnan pa rin ang siyang ginagamit. Isa pa punto ni Ostler na walang katiyakan na sa hinaharap ay may pagkakaisa pa rin ang wikang ito. Maaring may mga isyu sa hinaharap na maging sanhi ng pagkakawatak watak ng wikang ito. Direktang nagbigay si Ostler ng mga prediksyon na maaring mangyari sa wikang Ingles, kanyang nabaggit na kasalukuyan ay nanatili na makapangyarihan ang bansang Amerika kaya naman nanatiling dominante ang kanilang wika, Ngunti ang lahat ay may hanggagnan, sa panahong ngayon maraming ng bansa nagsisimulang umunlad at umaangat kaya ang mag nabanngit ni Ostler ay posibleng magyari. Sabi nga nila ang tanging sigurado lamang sa mundo ay ang pagbabago.
Sa mga naunang talata ay nabigyan ng pansin ay mga maaring mangyari sa wikang Ingles sa hinaharap, ngunit isa ring mahalagang usapin sa atin mag Pilipino ang hinaharap ng dalawang wika na napakahalaga sa ating lipunan: ang wikang Filipino at Ingles. Para sa akin kung susundin ko ang pinagbasehan nina Crystal at Ostler, nakasalalay ang kahihinatnan ng dalawang wika sa usapin kung sino ang makapangyarihan sa hinaharap. Nasabi ko ito dahil kung titingnan natin sa kasalukuyan kung nasaan ang sentro ng kapangyarihan at kalakaran ay siya rin nagtatakda ng standard. Kamakailan lamang ay may panukalang batas ukol sa wika na dapat pagtuunan ng pansin. Dahil sa pagnanais ng mga namumuno na makisabay ang Pilipinas sa galaw ng globalisayon ay minarapat nila na bigyan din nang pansin ang wikang Ingles.Nakadepende ang hinaharap ng mga wikang tio kung ano nga ba ang mga layunin ng mga taong nagtatakda ng wika. Mas nais ba linangin at pagyamanin ang sariling atin o magtutuon ba tayo sa galaw ng mga bansang nakapaligid at makapangyarihan sa kasalukuyan at sa hinaharap?


Celine Agnes E. Resurreccion

Pananaw 2

Kakaiba ang naging pagtalakay ni Nicholas Ostler sa The Languages: Today and Tomorrow. Kung si David Crystal ay tiningan ang wika bilang isang usaping pang-agham na kailangang ibukod sa maraming klasipikasyon at hanapan ng tiyak na pinagmulan, si Nicholas Ostler naman ay naging mas mapangahas sa kanyang prediksyon sa bawat wika ng mundo, gamit ang pagkiling sa sinasabing “Asian century”, na base rin naman sa pagsusuri niya sa kasaysayan—paglago at pagbagsak ng mga wika, partikular na ang mga imperyo ng nagdaang panahon.
Kaugnay nito, ipinakita ni Ostler ang posibleng kahinatnan ng wikang Ingles at mga katutubong tagapagsalita ng Ingles. Ayon sa kanya, maaaring ang Ingles nga ang praktikal na preperensiya higit sa iba pang wika dahil sa ito ang wika ng pakikipagkalakaran, ngunit ang baton ng kapangyarihan ngayon ay papapunta na sa Asya at hindi maikakailang pabagsak na ang Estados Unidos. Ang pattern ng pakikipagkalakaran ay nag-iiba na. Sinabi niya na ang wika ng mundo ay sumusunod lamang sa diktang ekonomikal at pulitikal, dahil sa ang mga tao lalo na ang mga makapangyarihan ay gagamitin ang wikang higit na makapagbibigay ng kapakinabangan (instrumental attachment ).
Ibig niyang sabihin, mas magiging mabuti kung tingnan na ngayon ang Ingles na may pagpapangila (scepticism)—kaiba nang malaki kaysa sa Ingles na nakagisnan natin na siyang isinunod sa puro o katutubong Ingles. Ayon kay Ostler, ang Ingles ng kasalukuyang panahon ay ang Ingles na isinasalita na ng mga Indian, Arabo, Tsinoy, Hapon, Singaporean, Malay, at iba pang bilingwal na tagapagsalita nito, dahil nga hindi na ang Amerika o Europa ang may hawak ng mundo, pabagsak na sila. Ang kaparehong pagtingin na ito ni Ostler ay makikita sa The New Asian Hemisphere ni Kishore Mahbubani at mga artikulong What the East can Teach ni Sreya Ray, English in Decline as a First Language, study says ni Stefan Lovgren, at Native English it losing its power ni Indrajit Basu
Nakita rin ni Ostler na katulad ng Latin ay maaaring maging isang extant language na lamang ang Ingles. Dahil sa ang magiging pangunahing tagapagsalita nito ay ang mga bilingwal na indibidwal, siguradong hindi maiiwasan ang paghahalo-halo ng iba’t ibang salita sa Ingles, lalo na’t ang diskurso ngayon ay bilingwal sa bilingwal. Maaaring pagmulan ito ng pag-usbong ng mga panibagong wika sa daigdig, na ang wikang Ingles bilang ama.
Samakatwid, ang kontrobersyal na EO 210 ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay isang malaking kakitiran ng utak dahil unang una, ang pagbabago ng linguwistikong ayos ng mundo ay isang malinaw na pagpapakitang dapat nang itapon ang sistema ng edukasyon na nakatuon sa ‘pagka-pangunahin’ ng Ingles. Oo, walang masama sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga Pilipino sa pagsasalita ng Ingles. Sa totoo lang, mabuti nga ito dahil sa mananatili pa rin naman ang Ingles bilang wika ng pakikipagkalakaran. Iyon nga lang, hindi nakikita ng pamahalaan na ang wikang Ingles ngayon ay bukas na sa kahit anong pamamaraan ng paggamit at pagsasalita nito. Gayunpaman, patuloy pa rin ang pagsulong ng mga lider sa maka-Kanlurang Ingles. Hindi nila nakita na ang Ingles na umaangat ngayon ay ang varyasyon ng Ingles ng mga Asyano—at malapit nang matapos ang tradisyunal na Ingles. Ang idinidikta ng panahon sa ngayon ay ang Ingles na may pantay na katayuan sa mga katutubong wika (dahil ito naman nga ang trend sa mga bansa sa Asya, hindi ba?). Kabaliktaran nga lang ang nangyayari sa Pilipinas ngayon dahil sa patuloy ang pagkitil ng mga mambabatas sa wikang Filipino. Pansinin na lamang ang ‘mother tongue policy na biglang kinabitan ng EO 210. Walang masama sa mga ito at sa totoo nga’y makabubuti pa nga kung sana lamang ay ibinalanse ang EO 210 sa mother tongue policy at Konstitusyon 1987. Kaya nga lang, sinobrahan ang lawak sa gamit ng Ingles, at lahat ng sobra ay nakasasama.
Napakahalagang ipantay ang antas ng Ingles-Filipino (o mas makabubuti pa kung itataas ang antas ng Filipino kaysa Ingles) dahil sa ang wikang katutubo ay ang wika ng tunay na pagkatuto. Kung papansining mabuti, ang mga karatig bansa sa Asya ay umaangat dahil ang mga tao doon ay aral. Aral sa katuturang maalam at mahusay sila sa larangan ng matematika, agham, teknolohiya, at kasunod na lamang sa mga ito ang kakayahan nilang makapag-Ingles. Kahit nga ang mga bansang hindi marunong umIngles (katulad ng Hapon at Hilaga at Timog Korea), ay angat na angat pa rin dahil sa hindi matawarang kalidad ng matematika, agham, at teknolohiya sa kanilang bansa. Ang nais kong ipakita dito ay ang kahalagahan ng pambansang wika sa pagpapaunlad ng isang bansa—dahil ito ang nararapat na wika ng agham, matematika at tekonolohiya upang makalinang ng mga produktibo at mahusay na indibidwal sa mga naturang larangan, na mag-aangat ng bansa.
Hindi wikang Ingles ang katugunan sa problema ng bansa. Ito pa nga ang nagbibigay ng problema sa bansa dahil sa pinipigil nito ang pagsulong ng nararapat sanang pagkatuto ng mga kabataan—dahil sa wala naman talagang natutunan ang mga Pilipinong mag-aaral kung hindi Ingles, Ingles, Ingles. Ang nararapat na gamitin sa pagtuturo ay wikang Filipino nang maintindihan at maisapuso ng mga mag-aaral ang kasaysayan, agham, matematika, teknolohiya—at saka na lamang isunod ang Ingles kapag hindi na pulpol ang mga mag-aaral. Bakit pa ba hindi tayo matuto-tuto sa mga bansang Hapon, Korea, Tsina, Singapore, Malaysia, Indonesia, at marami pang iba na nagsipag-Ingles lang nang maayos na ang sistema ng pagtuturo sa agham, matematika, at teknolohiya?
Kailangang-kailangang gamitin ang wikang Filipino hindi lamang dahil sa tawag ng pagkatuto, kundi maging dahil sa tinatawag nating Filipino diaspora. Dahil sa ang mga Pilipino ay nagkalat-kalat na sa iba’t ibang bahagi ng daigdig at patuloy pang magkakalat-kalat, ang posibilidad ng pagkamatay ng wikang Filipino ay napakalaki: ibang wika na ang gagamitin nila sa pangaraw-araw at malamang-lamang na hindi na maipasa sa mga anak o apo o kaapo-apuhan ang kaalaman nila ukol sa wikang Filipino. Kung titingnan nga ang pananaw ni Ostler tungkol sa demographics kaugnay ng kapangyarihan ng wika, talaga ngang delikado na ang wikang Filipino dahil napakakaunti lamang ng populasyon ng tagapagsalita ng wikang Filipino…at nagsisilabas pa ng bansa.
Kung titingnang maigi, napag-iiwanan na nga talaga ang Pilipinas. Kahabag-habag lang talaga na tayong mga Pilipino ay walang kamalay-malay sa mga pangyayari sa paligid. Ngunit may 50 taon pa naman para humabol. Isang mabuting paraan ay ang pagsisimula ng isang Mandarin institute o department sa mga pamantasan, para humubog ng mga indibidwal na may kakayahan—may mahusay na kakayahan—na umangkop sa Tsina, ang susunod na imperyo ng mundo.
Sa kabila na napakaraming suliranin, paano kaya talaga tayo makahahabol sa pag-angat ng Asya?

Ruth Barrientos

Pananaw 1

Ang kasaysayan ng mga wika ay kasaysayan ng walang humpay na mga pagbabago. Ito ay masasalamin sa kumplikadong ebolusyon ng ilang mga wika maging sa ilang serye ng paglitaw at paglubog ng ng ito hanggang sa mas kumplikado pang pagkakagrupo at distribusyon ng mga ito. Sa ganitong kalagayan, tiyak na hindi maiiwasan ang ilang posibilidad hinggil sa mga wika maging sa konteksto ng Pilipinas lalo pa at ang pagbabago sa wika ay may malaking kaugnayan sa kolonyalismo at ang Pilipinas ay isang mala-kolonyal na bansa sa ilalim ng Imperyalistang US.
Ngunit ang pagpasok ng kolonyalismo sa usaping ito ay hindi nagangahulugan ng pagbabagong mat kinalaman sa tuluyaang paglamon ng Inggles, na siyang wika ng mananakop, sa Filipino kundi ang kasalungat nito—ang Pilipinisasyon ng wikang Inggles. Sa akda ni Ostler, nabanggit ang posibilidad ng mas malawakang paglago ng mga bagong wika sa mg abagong lupain o mga nasakop na lugar na maaaring ring magbunsod ng ilang pagbabago sa anyo nito. Sa katunayan, maaaring maimpluwensyahan ang wika ng kolonyador ng orihinal na wika ng mga tao sa kolonya na maaaring magdulot ng modipikasyon ng wika o kahit pa pormal na pagkakatatag ng panibagong denominasyon nito.
Sa aking palagay, maaring hindi lamang mganap ang mga pagbabagong tulad nito sa pambalarila at pambokabolaryong antas ng wika. Maari ring magkaroon ng rehistrasyon ng panibagong lohika ng paggamit ng wika. Isang magandang senyales sa kontekston ito ay ang ilang isyu na may kinalaman sa paggamit ng mga idyomang Inggles. Bagaman mali sa teknikal na aspeto, maituturing pa ring may punto sa ilang banda. Isang magandang halimbawa rito ay ang talamak na gamit ng mga Pilipino ng result to imbes result in. Ayon kay Dr. Rosalina Bumatay-Cruz ng Department of English and Comparative Literature, ito ay bunga ng mas pagkagamay ng mga Pilipino sa lohikang sanhi-bunga
kaysa presentasyon muna ng bunga saka ang pakilala sa sanhi.
Pagdating naman sa pagbigkas, maaaring magkaroon din ng malawakang pagtanggap sa tunog ng Inggles kahit pa malayung-malayo ito sa tunog pang-BBC o kung ano pa man na mas sosyal umano sa pandinig. Ito ay dahil sa posibilidad na dumating sa panahong makapagtatag na rin ang mga Pilipino ng sariling punto na di na hahamakin ng karaihan bilang “tunog kalabaw.” Gaya na lamang ng naganap sa Wikang Portugues ng Brasil na kapansin-pansin mang kaiba sa tunog ng awtentikong Portugues ay tinatanggap pa rin bilang tama. Bakit nga naman kasi kapag banyaga ang nagsasalita ng Inggles, kahit pa man mas masahol ang tunog sa ilang mga Pinoy, mas pinapanigan pa rin ang mga ito ng nakararami bilang “mas magandang pakingggan?” Samantala, sa dako naman ng bokabolaryo, hindi rin naman malayong magkaroon ng ilang adapsyon lalo pa at talamak ang panghihiram sa kasaysayan ng mga wika sa mundo. Bakit ang Australia, may sariling Inggles at may sariling bokabolaryo?
Samakatuwid, kung malinaw nga sa kwento ng mga wika sa mundo ang ilang pagbabago na naganap kahit pa gaano ito kaimposible sa una, hindi nga malayong makalikha ang mga Pilipino ng sariling Inggles na malay natin aymaituring pang isang pormal na sanga ng wika lalo pa kung darating ito sa punto na panghihina dahil sa pagsadsad ng pagkaprestihiyoso nito dala ng krisis at ilan pang kaganapang pumuputol sa magagandang asosasyon sa wikang ito.
Sa kabilang banda, may posibilidad rin naman na kasabay ng paghina ng Wikang Inggles dahil ilang mga salik gaya ng naunang nabanggit ay yumabong naman ang Wikang Filipino. Maliban sa paglobo ng populasyon sa Pilipinas, maaari itong maganap dahil sa tumataas na antas ng migrasyon ng mga Pilipino sa iba't ibang panig ng mundo. Maaari ring sa paglubog ng Imperyong US kasabay ng pagsadsad nang tuluyan ng ekonomiya nitong makapagbabawas sa pangangailangang aralin ang Inggles bilang wika, maaaring sumubok ng iba pang mga wika ang mga banyaga para aralin at salitain. Gayunpaman, magaganap lamang ito kung magiging matagumpay ang mga Pilipino sa paggawa ng magandang marka sa lipunan na maaaring makapagdala ng magagandang asosasyon sa kulturang Pinoy na sapat lamang upang gawin itong prestihiyoso.
Ngunit ano pa man ang maganap sa Wikang Filipino, tiyak na darating ang panahong hihina rin ang Wikang Inggles bagaman malabo ang tuluyang pagkamatay nito.


Roemina G. Deocareza
BA Creative Writing / 2008-30936
Filipino 128 WFV
Disyembre 2, 2009