Tuesday, February 2, 2010

Language, Hypocrisy, Ambiguity, & Complacency

"Bourgeois democracy is the democracy of pompous phrases, solemn words, lavish promises and high-sounding slogans about freedom and equality, but in practice all this cloaks the lack of freedom and the inequality of women, the lack of freedom and the inequality for the working and exploited people. Soviet or socialist democracy sweeps away these pompous false words and declares ruthless war on the hypocrisy of "democrats", landowners, capitalists and farmers with bursting bins who are piling up wealth by selling surplus grain to the starving workers at profiteering prices."

Soviet Power and the Status of Women, Vol. 30, p. 121

Nang binabasa ko itong pahayag na ito, hindi ko maiwaasang isipin na ang sinasabi nito ay may kabuluhan sa pagtingin sa lipunan ng Pilipinas ngayon. Lalo na at nalalapit na ang eleksyon, makikita natin kung paano gumagana sa pangangampanya ang pagpili ng mga salitang ginagamit sa intensyon na bawat kandidato. Dahil ang paraan ng pagkapanalo sa eleksyon ay makukuha sa dami ng boto, masasabing ang layunin ng isang mangangampanya ay maging popular sa sektor ng lipunan na may pinakamaraming bilang ng tao. Kaya kung gagawa ng plataporma ay bibigyang pansin ang masa dahil sila ang mas nakararami sa lipunan.

Ngunit makikitang hindi naman ganito kasimple ang lahat dahil ang naghaharing uri ay hindi naman ang masa kung hindi ang mayayaman. Masasabing ganito dahil ulit sa sistemang gumagana sa ating lipunan ngayon na ang may sapat na pera para gumastos sa pangangampanya lang naman ang tumatakbo sa eleksyon.

Wala namang makikitang mahirap na tumatakbo kaya ang madalas na nakakapasok sa kongreso at gumagawa ng batas ay ang mga talagang mayayaman lamang. At ang kinalalabasan ay pinoprotektahan nila ang kanilang mga interes na walang pakundangan sa kalagayan ng iba. Ngunit hindi naman nila ginagawa ito ng direkta kung kaya't gumagamit sila ng mga salitang mabulaklak ngunit wala namang maintindihan dahil puro hangin lang naman ang laman. Masasabing nakukuha nila ang pagsangayon ng iba sa dahilang sila nga ang naghahari at hindi naman sila makwestyon dahil hawak nila ang gobyerno. Masasabi rin naman na hindi sila makwestyon dahil nga puro hangin ang laman at walang kongkretong sinasabi, ika nga walang malinaw na pinapanigan. Sa ganitong sistema ay nagpapayaman lang sila ng nagpapayaman sa at ang mahirap ay lalong naghihirap.

Kung magwelga naman ang mga magsasaka at mga proletariat, tinatapatan naman sila ng militar upang pigilan silang makapagwelga o papangakuan sila ng pagbabago na hindi naman natutupad dahil ang ginagamit din nilang salita ay yung ginagamit sa pangangampanya na mabubulaklak na salitang puro hangin ang laman. Ang ganitong mga pangyayari ay nakakatanggal ng pagasa ngunit may pahayag sa babasahin na kung tama ang pinaglalaban ay dapat ituluy-tuloy ito at huwag ipagwalangbahala dahil sa pagod at pagkabalisa. Ang tinutukoy ko ay ito,

"If anyone wants to persuade the Social-Democratic proletariat that the slogan of boycott is a correct one, he must not allow himself to be carried away by the mere sound of words that in their time played a great and glorious revolutionary role. He must weigh the objective conditions for applying such a slogan and realise that to launch it assumes indirectly the existence of conditions making for a sweeping, universal, powerful, and rapid revolutionary upwsing. But in periods of a temporary lull in the revolution, such a condition can in no circumstances be indirectly assumed. It must be directly and distinctly realised and made clear both to oneself and to the whole working class. Otherwise one runs the risk of finding oneself in the position of a person who uses big words without understanding their true meaning or who hesitates to speak plainly and call a spade a spade"

Against Boycott, Vol. 13, p. 36

Kung gagamitin ang pahayag na ito sa pagtingin sa nangyaring EDSA revolution at pagpapatalsik kay Marcos, sapat na ba iyon at nagbago ba ang lipunan? At sino nga ba ang tunay na nagwagi sa "People Power"?

-Jon Louis de Leon

No comments:

Post a Comment