Tuesday, February 2, 2010

Rebolusyon at Pakikibaka: Pagprotekta sa Bayan

He (P. Kievsky) is unaware that a national uprising is also "defense of the fatherland"! A little thought, however, will make it perfectly clear that it is so, since every "nation in revolt" "defends" itself, its language, its territory, its fatherland, against the oppresor nation.

A Caricature of Marxism and Imperialist
Economism, Vol. 23, p. 61

Ang rebolusyon ay isang digmaang bayan na sa tingin nakararami ay isang madugong labanan. Marahil ay dahil na rin ito sa kasaysayan ng ating bansa. Noong panahon ng mga Kastila, ang rebolusyon ay ginamitan ng mga itak ng mga katipunero laban sa mga baril ng mga Kastila. Maraming namatay upang ipaglaban ang kanilang paniniwala, makamit ang karapatan at kalayaan at upang maprotektahan ang inang bayan. Ang pakikibaka ay isa sa mga paraan upang ipaglaban ang karapatan at kalayaan ng isang bayan na malayo sa kamalayan ni Kievsky.



Hindi alam ni Kievsky na ang rebolusiyon o pakikibaka ay isang paraan upang labanan ang mapang-aping dayuhan o pinuno upang maprotektahan ang isang bayan. Ngunit hindi lamang ito nagtatapos sa pagprotekta ng isang teritoryo sapagkat nasasaklaw din nito ang mga taong napapaloob dito kasama na rin ang kultura at wika ng mga taong ito. Kung iisipin maraming rebolusyon na ang naganap sa Pilipinas. Mula sa panahon ng mga Kastila, Amerikano, at maging panahon ni Marcos at Estrada ay ngakaroon ng pakikibaka upang madepensahan ang bayan na lugmok sa pang-aapi at pagbawi ng mga karapatan. Isa ito sa mga patunay at kahalagahan ng pakikibakadahil ang bawat naaping bayan at mamamayan ay lumalaban upang mapanatili ang kapayapaan at karapatan na tinatamasa ng mamamayan.



Ang rebolusyon na nagdulot ng pagkakaisa sa mamayang Pilipino ay ang ang rebolusyon laban sa pamumuno ni Marcos kung saan itinatag niya ang batas militar. Dito ay nagkaroon ng mapayapang rebolusyon. Sa pagkakataong ito, ang mga Pilipino ay lumaban upang maibalik ang mga nawalang karapatan at mapatalsik ang isang diktador na inabuso ang kanyang kapangyarihan. Ngunit kung iispin, bago pa magsimula at rebolusyon na ito ay marami na ang nabuwis ng buhay sa pakikibaka upang makamit ang kapayapaan at isa na dito ay si Ninoy Aquino na siyang gumising sa kamalayaan ng mamayan at nagpuwersa sa mga ito na makibaka.


Ito ang irony sa pakikibaka sapagkat upang makamit ang kapayapaan ay kinakailangan na magbuwis muna ng buhay at magkaroon ng karahasan. Marahil ay maaring kulang sa kamalayan at nabubulag sa katotohanan ang mamayan kaya;t kinakailangan muna na may gumising at masaktan upang bumuhos ang galit at tuluyang lumaban ang isang bayan.


-Lucero

Camouflage

"Bourgeois democracy is the democracy of pompous phrases, solemn words, lavish promises, and high-sounding slogans about freedom and equality, but in practice all this cloaks the lack of freedom and the inequality for the working and exploited people."
Soviet Power and the Status of Women,
Vol. 30, p. 121

Eleksyon na naman. Panahon na naman ng pangangampanya. Panahon rin ng mabubulaklak na salita, panahon ng pangako, ng pagpapabango sa tao. Sa madaling salita, pang-uuto.

Sa mga tambak na pangako, ilan lang ba ang natutupad pagkatapos ng eleksyon? Ilan ba ang nababago ang buhay dahil sa mga pangakong ito? Ilang nakitil na buhay ang nabigyang hustisya?

Ang pinagtataka ko, lagi namang ganito... pero parang walang nagbabago.

Tuwing panahon ng eleksyon, kaliwa't kanan ang pangangampanya ng mga pulitikong naghahangad makaupo sa puwesto. Ipinakikilala ang sarili-- mga nagawa at balak gawin kapag naluklok. Inihaharap ang sarili bilang "tagapagpabago ng lahat" na tila isang bayaning alam ang tunay na kahulugan ng hustisya, kalayaan at pagkakapantay-pantay. Sa panahong ito, lalabas ang maaamo't may ngiting mga mukha, masarap sa tengang mga pangako ng pagkakapantay-pantay at pagbabago.

Sa kabila ng lahat ng ito, hindi naman na lingid sa ating kaalaman na ang mga pulitikong ito ay bahagi ng mataas na uri sa lipunan. Silang kabilang sa grupo ng mga panginoong may-lupa, silang katoto ng mga naglalakihang transnational companies, silang makapangyarihan-- sila sila na siyang nag-aagawan sa puwesto.

"Hindi kailanman magtatagpo ang kapakanan ng api at nang-aapi." (sipi mula sa dokyumentaryong "Sa Ngalan ng Tubo")

Malamang kaya walang nagbabago. Paano mauunawaan ng magkaibang uri sa lipunan ang kanilang mga adhikain kung nanggagaling sila sa magkaibang lebel at punto ng buhay? Magkaiba ang mga karanasan at magkaiba rin ang nais sa buhay. Lalong magkaiba ang mga nakikita sa lipunan. Oo, posibleng nakikita ng magkaibang uring ito ang mga mali sa ating lipunan, pero dahil na rin sa magkaiba ang epekto nito sa kanila, magkaiba ang lebel ng kanilang pakialam sa mga ito. Sa usapin ng kalayaan at pagkakapantay-pantay, maaari nating sabihing ang tunay na may pag-unawa ay yaong handang harapin ang realidad ng pang-aaping litaw sa lipunan, yaong handang tukuyin kung ano at saan nag-uugat ang lahat ng ito-- sa api o nang-aapi man siya nabibilang.

Ngayon, isipin natin, sino bang tunay na nagsasabi ng totoo? Sinong walang bahong itinatago? Sino sa mga ito ang hindi lamang tayo pinapaasa? Sino bang tunay na may alam sa buhay? Sino sa mga ito ang hindi ikinikubli ang tunay na hangarin at katauhan sa likod ng mapagpanggap na mabubulaklak na salita?

Marahil panahon na upang ipakita ang tunay na kulay at walang habas na harapin ang realidad ng lipunang ito.

-Mia Catherine B. Alderite

Alyansa

“…In a society based on private property and the enslavement of millions of property less toilers by a handful of rich people, the government cannot be anything but the loyal friend and ally of the exploiters and the most reliable guardian of their power,” --- A Valuable Admission, Vol. 5 pp. 81-82

Hindi maipagkakaila na ang globalisasyon ang sentro ng atensyon sa isang naghihirap na bansa tulad ng Pilipinas na kasali sa tinatawag na “Third World Countries” sa Ingles. Ang globalisasyon ay nakapokus sa antas ng pangdaigdigang ekonomiya at mga plano sa pagpapaunlad nito.
Sa Pilipinas, gagawin lahat ng pamahalaan para lamang makasabay sa proseso ng globalisasyon kahit pa lumuhod ang Pilipinas sa mga nangungunang bansa makamit lamang ito. Halimbawa na lamang ang edukasyon sa bansa kung saan pinagtitibay ng pamahalaan ang paggamit ng banyagang wika dahil ito daw ay “nagpropromote ng global competitiveness” ng mga Pilipino sa iba’t ibang aspeto. Ito raw ay makakatulong lalo na sa pagkakaroon ng mga trabaho ng mga tao sa loob at labas ng bansa. Ang resulta? Napapabayaan natin mismo ang sarili nating wika kung saan ang Filipino ay nagiging pangalawang wika lamang. Kung tutuusin bakit nga ba tayo kailangang mag-aral ng wikang banyaga partikular na ang Ingles? Kung susuriing mabuti ang Ingles ang tinatawag na “universal language” at may hawak rin ng titulo bilang pinakamaimpluwensyang wika sa buong mundo sa ngayun dahil sa tinatamasang yaman ng mga bansang may wika nito katulad ng Amerika. Kaugnay nito, ang pag-aaral nito ay nangangahulugang solusyon sa pagtaas ng ekonomiya ng bansa. Pansinin na ditto rin pumapasok ang konsepto nang kung sino ang mayroong hawak ng kapangyarihan kung saan Ingles ang naghaharing wika.
Sa ating lipunan, hindi maikakaila na ang mga makapangayrihan ay ang mga taong nabibilang sa matataas o naghaharing uri ng lipunang Pilipino. Ito ay mga kadalasang negosyante na may-ari ng mga malalaking kompanya at gayun din naman ang mga nakaupo sa pwesto sa gobyerno. At dahil nga sa paghahangad ng bansa na makasabay sa proseso ng globalisasyon, isa sa mga ginagamit ng gobyerno upang makamit ito ay ang pakikipagalyansa sa mga negosyante sa loob at labas ng bansa. Kung maraming negosyo, maraming tax na makukuha ang gobyerno. Ang mga negosyanteng ito ang mayroong kapangyarihan at kapasidad na magpatakbo at magbukas ng mga negosyo na kinakailangan ng maraming mga Pilipinong mangagawa kaya naman pumapayag ang gobyerno sa kagustuhan ng mga nakakataas na uri sa lipunan. Binibigyan ng gobyerno ng daan ang mga negosyanteng ito na magtayo ng kanilang mga negosyo para daw mas mabigyan ng mga trabaho ang mga Pilipino. Ngunit ang hindi nila nakikita ay ang mga negatibong bahagi nito. Halimbawa na lamang sa konteksto ng paghahanap ng trabaho kung saan ang diploma ang labanan bukod sa kakayanan ng aplikante ng trabaho. Syempre mayroong dagdag puntos kung magaling sa wikang ingles, nagmula sa sikat na mga kolehiyo sa Pilipinas at idagdag pa kung mayroon pa siyang mas mataas na pinag-aralang Masters Degree ar Doctorate Degree. Bumabatay ang karamihan sa malalaking kumpanya sa antas ng pinag-aralan ng isang aplikante. Resulta, nag-aaral ang karamihan ng ilang taon sa kolehiyo upang magpakadalubhasa sa isang kurso upang makakuha ng diploma. Pagkatapos noon, sino ang nakikinabang sa mga taong iyon? Hindi ba ang mga negosyante din o mga miyembro ng mga nakakataas ang uri dahil sila ang may kapasidad upang bayaran ang pinag-aralan mo kapalit ng isang maganda at maayos na serbisyo. Isa pang magandang halimbawa ang mga nasa call center kung saan nagpapakapuyat ang mga call center agents at nagsisipag-aral at nagsisipagkadalubhasa sa iba’t ibang wikang banyaga makakuha lamang ng mataas na sweldo mula sa mga internasyunal na kompanyang ito na ang nakikinabang ay hindi naman mga Pilipino.
Sa huli, sino ang prumoprotekta sa mga nagosyanteng ito kakataas na ito kundi gobyerno din dahil sila mismo ay nakikinabang sa grasyang tinatamasa ng mga naghaharing uri.

Jhoanna Marie A. Del ponso

Lenin

“…In a society based on private property and the enslavement of millions of propertyless toilers by a handful of rich people, the government cannot be anything but the loyal friend and ally of the exploiters and the most reliable guardian of their power. In our times, guns, bayonets and whips are not a sufficiently reliable guardian; it is necessary to convince the exploited that the government stands above the bourgeoisie, but those of justice, that is concerned with protecting the weak and the poor against the rich and the powerful…”

A huge percentage of the Philippines’ lands belongs to private corporations. These private corporations are owned by a few families who make up the tip of the triangle, the only people who can honestly say that they live comfortable and happy lives in this country we are forced to call home. I have no knowledge whatsoever on how such families have accumulated such wealth to be able to own what can be almost half, or at the rate that they are going, probably more than half of the country’s lands. All I know is these families surely have paved smooth ways for the next generations that will be lucky to be born into such names. As the country is largely dependent on these filthy rich people, the government doesn’t have any choice but to be of the same page as them. Thus, the government loses the sole advantage that they have over these people and chooses to be enslaved by them. The amount of money and the number of favors they get from these rich people are beyond every regular Filipino’s wildest dream. As much as it is of great embarrassment to reveal this, our country is run by desperate social climbers who will do everything to be recognized by high society.

The divide between the rich and poor is greatly affected by the officials’ outright social climbing. As what matters most is their moneymaking and their shameless acts of theft, the welfare of those who need assistance the most goes disregarded. It is a sad reality that in this country, the rich are getting richer and the poor are only getting poorer. It is of a sadder reality that one’s definition of poor might not even suffice to describe the despicable lifestyles this country’s poor have turned out to be over the years. No improvement has been made even though there have been countless promises made by aspiring officials who, when before elected give highly likeable platforms regarding helping the poor, but when elected in office break such promises because of the blinding light that is their greed.

And now that May is coming up, we are again bombarded by such promises—promises of a better future and of an honest tomorrow. But trust is a hard to give, especially when it has been already broken not just once but many times over. A complete overhaul is needed—one where a complete reshuffling of power is involved. The government must once and for all assert its power and not let their personal interests lead the way.

Patricia Camille M. De los Santos

Sino ang taya?

But this general, theoretical question automatically arises: What is at the root of the falsehood of such arguments; how can hypocrisy of the German imperialists be exposed with unerring certainty? The correct theoreticala nswer pointing to the root of falsehood always serves as a means  of exposing the hypocrites who, for reasons all too obvious, are inclined to cover up their falsehood, to obscure it, to clothe it in flowery phrases, all sorts of phrases, phrases about everything in the world, even about internationalism.
                                          German and Non-German Chauvinism, Vol.22, p. 183


Ang isang pagkakamali ay hindi kailan man nasosolusyunan ng isa pang pagkakamali. Para itong apoy, hindi mawawala kung susundan pa ng kahit na maliit lang  na apoy. Anu pa man ang mangyari, mas lalala at lalaki pa ito. Sa panahong ito, nagsisimula na naman na maglabasan ang gustong makisama sa koronasyon ng bagong buwaya sa ating bansa. Hindi pa nga nawawala ang pinakamalaking buwaya sa Pilipinas sa palasyo, ngunit heto na naman ang mga nagkakandarapa na maghari sa trono.


Masakit man sabihin, ngunit ilang beses na tayong naging biktima at naging uto-uto sa paulit-ulit na pangangako, sa paghahayag ng katalinuhan at sa pag-ako ng kanilang walang bahid na kagustuhan na magsilbi kuno sa sambayanang Pilipino. 

Hindi mailalabas ang pagkakamali kung magpapadala tayo sa pagpapanggap at huwad na layunin ng mga naghaharing uri. Iyon ang pagkakamali natin. Sa sobrang pagiging masayahin nating mga Pilipino, madali na tayong makalimot. Nakalimutan na natin ang dahas na isinukli ng pamilya Cojuangco sa mga mamamayan na ang nais lamang ay mabuhay nang sapat at maayos. Pagpapaulan ng bala, pagtatapon ng tear gas, pakikipagsabwatan sa institusyon ng pamahalaan-ito ang ginawa ng nagmamay-ari ng Hacienda Lusita. At ngayon ano na lang ang mas tumatatak sa atin? Si Noynoy ay isang malinis na Aquino na gagabayan ng kanyang inang makadiyos at amang makabayan kapag siya ay naitanghal na presidente ng Pilipinas. Sinabi lang na diyos, ayan at nasa kanya na ang panig ng karamihan. Sinabi lang na demokrasya dahil kay Ninoy, lalong nadagdagan ang panig na iyon.

Nariyan din ang isyu tungkol kay Villar sa C5 na proyekto niya na marami 'daw' ang makikinabang. Ngunit sa kahit anong anggulo natin tingnan, siya ang may pinakamalaking benepisyo sa kanyang proyekto. Alinsunod naman sa kanyang sinasabi na para daw ito sa ikagaganda ng bayan. At siya. Siya mismo anng nagtatanghal sa kanyang sarili bilang tunay na mahirap? Galing nga ba siya sa mahirap? Nananalaytay pa nga ba sa kanya ang dugong mahirap kahit na naging likas na sa kanya ang pagpapayaman. Sino ang maniniwala? Sa paanong paraan?

Hindi matatabunan kailan man ng katalinuhan, ang pagiging matatas magsalita, at ng kahit ano pang pagpapanggap ang isang kamalian. Nariyan at nariyan ito. Subukan nating huwag umasa at tingnan ang lalim ng mga pagkataong  nasa harap natin. Sino nga ba sa kanila? Sino ang nagpapagod lang para sa kanilang sarili? Sino ang nagpapagod para sa mga mamamayan. O talagang hanggang sa katapusan, wala tayong mapapala? Sino ang totoo, sino ang malinis? Sino ang hindi mayabang sa salita at sa gawa? Sino sa mga tatakbo ang dapat mataya?


QUEENE TUMAQUE

Language, Hypocrisy, Ambiguity, & Complacency

"Bourgeois democracy is the democracy of pompous phrases, solemn words, lavish promises and high-sounding slogans about freedom and equality, but in practice all this cloaks the lack of freedom and the inequality of women, the lack of freedom and the inequality for the working and exploited people. Soviet or socialist democracy sweeps away these pompous false words and declares ruthless war on the hypocrisy of "democrats", landowners, capitalists and farmers with bursting bins who are piling up wealth by selling surplus grain to the starving workers at profiteering prices."

Soviet Power and the Status of Women, Vol. 30, p. 121

Nang binabasa ko itong pahayag na ito, hindi ko maiwaasang isipin na ang sinasabi nito ay may kabuluhan sa pagtingin sa lipunan ng Pilipinas ngayon. Lalo na at nalalapit na ang eleksyon, makikita natin kung paano gumagana sa pangangampanya ang pagpili ng mga salitang ginagamit sa intensyon na bawat kandidato. Dahil ang paraan ng pagkapanalo sa eleksyon ay makukuha sa dami ng boto, masasabing ang layunin ng isang mangangampanya ay maging popular sa sektor ng lipunan na may pinakamaraming bilang ng tao. Kaya kung gagawa ng plataporma ay bibigyang pansin ang masa dahil sila ang mas nakararami sa lipunan.

Ngunit makikitang hindi naman ganito kasimple ang lahat dahil ang naghaharing uri ay hindi naman ang masa kung hindi ang mayayaman. Masasabing ganito dahil ulit sa sistemang gumagana sa ating lipunan ngayon na ang may sapat na pera para gumastos sa pangangampanya lang naman ang tumatakbo sa eleksyon.

Wala namang makikitang mahirap na tumatakbo kaya ang madalas na nakakapasok sa kongreso at gumagawa ng batas ay ang mga talagang mayayaman lamang. At ang kinalalabasan ay pinoprotektahan nila ang kanilang mga interes na walang pakundangan sa kalagayan ng iba. Ngunit hindi naman nila ginagawa ito ng direkta kung kaya't gumagamit sila ng mga salitang mabulaklak ngunit wala namang maintindihan dahil puro hangin lang naman ang laman. Masasabing nakukuha nila ang pagsangayon ng iba sa dahilang sila nga ang naghahari at hindi naman sila makwestyon dahil hawak nila ang gobyerno. Masasabi rin naman na hindi sila makwestyon dahil nga puro hangin ang laman at walang kongkretong sinasabi, ika nga walang malinaw na pinapanigan. Sa ganitong sistema ay nagpapayaman lang sila ng nagpapayaman sa at ang mahirap ay lalong naghihirap.

Kung magwelga naman ang mga magsasaka at mga proletariat, tinatapatan naman sila ng militar upang pigilan silang makapagwelga o papangakuan sila ng pagbabago na hindi naman natutupad dahil ang ginagamit din nilang salita ay yung ginagamit sa pangangampanya na mabubulaklak na salitang puro hangin ang laman. Ang ganitong mga pangyayari ay nakakatanggal ng pagasa ngunit may pahayag sa babasahin na kung tama ang pinaglalaban ay dapat ituluy-tuloy ito at huwag ipagwalangbahala dahil sa pagod at pagkabalisa. Ang tinutukoy ko ay ito,

"If anyone wants to persuade the Social-Democratic proletariat that the slogan of boycott is a correct one, he must not allow himself to be carried away by the mere sound of words that in their time played a great and glorious revolutionary role. He must weigh the objective conditions for applying such a slogan and realise that to launch it assumes indirectly the existence of conditions making for a sweeping, universal, powerful, and rapid revolutionary upwsing. But in periods of a temporary lull in the revolution, such a condition can in no circumstances be indirectly assumed. It must be directly and distinctly realised and made clear both to oneself and to the whole working class. Otherwise one runs the risk of finding oneself in the position of a person who uses big words without understanding their true meaning or who hesitates to speak plainly and call a spade a spade"

Against Boycott, Vol. 13, p. 36

Kung gagamitin ang pahayag na ito sa pagtingin sa nangyaring EDSA revolution at pagpapatalsik kay Marcos, sapat na ba iyon at nagbago ba ang lipunan? At sino nga ba ang tunay na nagwagi sa "People Power"?

-Jon Louis de Leon

Fairytales

“Let us point out too, that in the election campaign in general, and in concluding electoral agreements at the higher stages, the Social-Democrats must speak simply and clearly, in a language comprehensible to the masses, absolutely discarding the artillery of erudite terms, foreign words and stock slogans, definitions and conclusions which are as yet unfamiliar and unintelligible to the masses. Without flamboyant phrases, without rhetoric, but with facts and figures, they must be able to explain the questions of socialism and of the present Russian revolution.”

The Social-Democrats and Electoral Agreements, Vol. 11, p.294



We live in a country where god, country and the poor are in the minds of every politician (especially during campaign season). It is perhaps strange then that everyone generally agrees that our country is poor (maybe this is what they mean when they say they’re pro-poor?) and that government is inept and corrupt. The picture is obviously wrong so why are the same people in office time and time again?

Now that it’s election season once more, the same people are plastering their mugs all over television, proclaiming (often in song) their many virtues and promises. Our politicians, in their infinite skill and virtue, promise to provide us education, work, a house and lot and a partridge in a pear tree and that goes without mentioning the utter eradication of poverty. And they promise to do this all in one presidential term.

The logistic nightmare of solving all the country’s problems in one term aside, it does not take rocket science to realize just how unfeasible and unlikely these promises are. All these pretty words work in the short term. They try to make the voters believe that paradise is only one president away instead of years of ongoing and consistent reform.

Words are words. I long for the day when a politician decides to be realistic and frank. It won’t be what we’d want to hear, yes, but it would be what we so badly need.

Wala sa lugar

"In a society based on private property and the enslavement of millions or propertyless toilers by a handful of rich people, the government cannot be anything but the loyal friend and ally of the exploiters and the most reliable guardian of their power."

Ang pamahalaan dapat ay ngangangalaga sa kapakanan ng kanyang nasasakupan at namamagitan sa mga tunggaliang nagaganap rito. Ngunit sa kalagayan ng lipunang Pilipino, hindi ganito ang nangyayari.

Kapuna-puna na sa kabila ng pagbabanggaan ng magkaibang interes ng dalawang uri-- mga pesante at mga panginoong may lupa o PML--, imbes na tumulong ang gobyerno sa pagresolba ng kontradiksyon ay kapansin-pansin pang mas pinoprotektahan nito ang mga PML. Halimbawa na lamang, kahit pa sabihing may mga reporma sa lupa, hindi pa rin naman nakasisiguro ang mga magsasaka na matutulungan sila ng mga ito dahil hindi naman talaga ito nangangahulugan ng tuluyang pamimigay ng ilang lupain sa kanila sa kadahilanang maraming mga kundisyon gaya na lamang ng eksempsyon ang nakalaloob rito. Isang halimbawa na lamang ay ang diskwalipikasyon ng ipamimigay na lupain kung ito ay di gaanong patag. Sa ganitong kondisyon, makasisiguro ang pamahalaan na malilimitahan lamang ang maipamimigay na mga lupain.

Sa puntong ito, makikita na balat-kayo lamang ang lahat. Nag-aanyong mabuti ang mga programang pawang mga pabor sa naghaharing-uri kung saan, sa kabila ng lubos na pag-asa ng mga kawawang magsasaka na makapag-ari ng sariling lupa ay ang katotohanang dahil sa mga kung anu-anong mga kondisyong nakalatag ay mananatili pa rin namang pagmamay-ari ng mga PML ang mga lupain.

Nagpapatuloy ang ganitong kaganapan sapagkat magaling rin naman sa pagpapanatili ng kapangyarihan ang gobyerno--kapagyarihang wala sa lugar. Idinaraan sa takot at dahas ang mga kawawang pesanteng nais lumaban at ipaglaban ang karapatan gaya na lamang ng nagyari sa Hacienda Luisita Massacre.

Sa lahat ng ito, mahihinuhang wala na nga sa lugar ang pamahalaan. Hindi na nito napangangatawanan ang tungkuling mangalaga sa mga mamamayan anumang uri ang kinabibilangan ng mga ito.

-Roemina Deocareza

DECEPTicons, DECEPTI(C)ONS

"People always have been the foolish victims of deception and self-deception in politics, and they always will be until they have learnt to seek out the interests of some class or other behind all moral religious, political and social phrases, declarations and promises."

Three Sources and Three Component Parts of Marxism, Vol. 19, p. 28

Sa paparating na Mayo 10 ng taong ito magaganap muli ang pambansang halalan na nilalahukan ng mga taong nais makaupo sa pwesto ng pamahalaan. Sa panahong ito masusubukan muli ang kakayanan ng mga Pilipino na pumili at bumuto sa tamang tao upang mamahala sa bansa. Mahalaga ang halalang ito sapagkat bubuto na muli tayo ng isang pangulo at pangalawang pangulo pagkatapos ng anim na taon. Ngunit ang pagkakaroon ng halalan ay isa lamang paraan upang maipagpatuloy ng mga naghaharing uri ang kanilang pamumuno sa lipunang Pilipino. Kinabibilangan kasi ng mga pulitiko ang 2 porsyento ng tatsulok na lipunan bilang mga malalaking burgesyang kumprador, pambansang burgesya at mga panginoong may lupa. Ibig sabihin nito, ang mga tatakbong indibidual at mga opisyal na nakaupo sa pamahalaan ay mismong mga taong kalaban ng masang Pilipino sa paghahangad ng tunay na rebolusyon at pagbabago sa lipunan at pamahalaan. Kaya nga’t napili ko ang artikulo sa itaas upang maiugnay para sa kasalukuyang panahon. Ang pulitika at ang mga aspektong bumabalot dito ay mga manipestasyon na pinapatakbo ang bansa ng mga huwad na reporma at pangako ng mga nakaluklok na opisyal sa gobyerno. Dahil ang gobyerno mismo ay isang bulok na sistema na nagpapahalaga lamang sa interes ng iilan at nagpapatupad ng represibong batas at ideolohiyang nanlilinlang. Sa mga patalastas ng mga tumatakbong pangulo na bumubulaga sa atin tuwing nanonood tayo sa telebisyon ay isang halimbawa lamang kung paano nagiging biktima ang mga tao ng pagsisinungaling at paggawa ng katotohanan ng mga pulitikong ito. Ayon kay Propesor Aguila, ito nga ay isang paraan upang ang kasinungalingan ay maging totoo at tapat para sa manonood. Dahilan sa gumagawa ang mga kandidato ng ilusyon at panaginip na ipinapalabas at ipinapakita sa anumang paraan ng media, direkta nitong kinukumbinsi, kinakausap at pinapaniwala ang mga tao sa kanilang mga programa. Ito ay mga programang nanlilinlang sa pangangakong magbabago at uunlad ang bansa kung sila ang magiging pangulo. Ibig sabihin nito walang tapat na kandidato at dapat na iboto sapagkat pareho lamang nilang tinatago ang tunay na estado ng bansa, na ito ay isang mala-kolonyal at mala-piyudal na lipunan na pinahaharian ng iilang mayayaman at makapangyarihang pamilya. Maging sa lokal na pamahalaan hanggang sa nasyonal naroroon ang pagtatago sa hikahos na masang Pilipino ang tunay na problema ng bansa kaya’t hindi umuunlad ang kanilang pamumuhay. Patuloy na magiging biktima ang masang Pilipino kung hindi nito matutunang pag-aralan ang lipunan at ipaglaban at makibaka para sa interes ng nakararami nang isinasantabi ang relihiyosong paniniwala, pulitikal at sosyal na pwersang pumipigil sa kanila upang itaguyod ang tunay na pagbabago. Dahil ang paniniwalang ito ay hindi lamang tumutulong na ikalat ang huwad na katotohanan kundi kabilang din ito sa mga gumagawa at nagtataguyod sa kasinungalingang pinipilit ipasok sa utak ng mga Pilipino. Simple lamang ang konteksto ng artikulo sa lipunang Pilipino, na biktima ang masa kung patuloy nitong hahayaan na lumaganap at magpasakop sa huwad na katotohanang ginawa ng mga naghaharing uri.

Wika sa Rebolusyon

" A revolutionary is not one who becomes revolutionary with the onset of the revolutionary with the onset of the revolution, but one who defends the priciples ad slogans of the revolution when reaction is most violent and when liberals and democrats vacillate to the greatest degree. A revolutionary is one who teaches the masses to struggle in a revolutionary manner and nobody can possibly foresee the results of that teaching "

" rebolusyon ang susi sa pagbabago ", maraming nagsasabi na rebolusyon ang tanging daan upang mabago ang mga maling pamamahala sa atinmg bansa. Tunay ngang ang rebolusyon ang susi sapagkat noong Panahon ng mga Espanyol, ito ang naging paraan upang magkaroon ng kalayaan mula sa mga pang-aaping ginagawa ng mga Espanyol.

Masasabi ba natin na may naiambag ang wika upang magkaroon ng rebolusyon? Malaki ang naitulong ng wika sa pagkakaroon ng malawakang rebolusyon sa ating kasaysayan. Ang akda nio Andres Bonifacio na "Ang dapat mabatid ng mga Tagalog" at ni Marcelo H. del Pilar na "Pasyong dapat ipag-alab ng puso ng taong baba sa kalupitan ng Fraile" ay isang patunay na hindi lamang sandata ang siyang kinakailangan sa pakikipaglaban. Ang mga akdang iyon ang tumulong upang magising ang mga Pilipino sa pagdurusang natamo nito. Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag ng mga may-akda ang silakbo ng kanilang mgas damdamin na mariing na p[inagbabawalan ng mga Espanyol noon. Ang wika ang naging daan sa ating mga bayani para maiparating sa mgas Pilipino ang tunay na kalagayan ng ating bansang Pilipinas. Ito ang naging liwanag sa bawat dilim at ang naging susi sa edukasyon.

Ang rebolusyon ay hindi basta-bastang kaguluhan o pagrerebelde ng mga tao. Ito ay paglaban sa karapatan ng bawat isa sa tin at pagtanggol sa minamahal nating bansa. Kung walang nangyaring rebolusyon, maaaring magpasa-hanggang ngayon ay alipin parin tayo ng mga Espanyol at hindi tayo makakaranas ng kalayaan. Ano man mangyari sa bawat rebolusyon, hindi natin alam ang magiging resulta nito.


-------- JCDF (flores)

Gobyerno, Sandigan ng Bayan o ng mga Gahaman?

“In a society based on private property and the enslavement of millions of propertyless toilers by a handful of rich people, the government cannot be anything but the loyal friend and ally of the exploiters and the most reliable guardian of their power.”

Sinasabing ang gobyerno, bukod sa may kapangyarihan itong magpatupad ng mga batas, ay may ginagampanan ding papel upang makapaghatid ng katiwasayan at kaayusan sa bansa. Ngunit sa mismong sipi mula sa “A Valuable Admission” ni Lenin ay sadyang kabaliktaran ang inilalarawang imahe ng isang gobyerno. Sa halip na makatulong at maging sanhi ng pagsulong ng bansa ay ito pa mismo ang nag-aambag sa mga nagaganap na gulo at pang-aapi sa mga tao. Binabanggit nga ni Lenin na ang gobyerno ay kakampi at tapat na kaibigan ng mga mayayaman. Maliban pa sa pakikipanig sa mga mayayaman ay pinoprotektahan din nito ang hindi makatarungang sistema ng labis na pagkakamkam ng mga ari-arian habang marami ang naghihirap at inaagawan ng mga bagay na dapat sana ay para sa mga taong higit na nangangailangan.

Sa lagay ng Pilipinas masasabing nangyayari rin ito, dahil sa tinagal-tagal ng panahon ay pareho pa rin ang dinadaing ng mga tao sa gobyerno ngunit hindi pa rin ito nabibigyan ng karampatang solusyon. Ang mga mayayaman na siyang bumubuo sa pinakamaliit na porsyento ng populasyon ay patuloy na yumayaman, samantalang ang nakararami o ang mahihirap ang patuloy namang lumulubog sa kahirapan. Hindi maitatangging may kinalaman ang gobyerno sa nangyayaring ito. Mapa-dyaryo, telebisyon, radyo, atbp., nailalantad ang ginagawang pagprotekta nito sa mga pribadong negosyo (gaya na lamang ng pag-import ng iba’t ibang produkto, pagprotekta sa mga sugalan, droga, at marami pang iba.) Ang higit pang ikinilala ng sitwasyon, ay hindi lamang basta-bastang may pangalang mayayaman ang gumagawa nito kundi pati mga pulitiko o mismong mga tao sa gobyerno. Sila rin ay mga panginoong may lupa, may-ari ng mga negosyong malalaki (legal man o ilegal), at kung anu-ano pang mga ari-ariang nagkakahalaga ng higit pa sa dapat nilang kitain. Kaya naman hindi rin nakapagtataka kung bakit ang mga batas ay makikitaan ng butas lalung-lalo na kapag nasasangkot sa naturang batas ang kanilang mga pag-aari (at pati ang sa kanilang mga “kaibigan.”) Hangga’t maaari, mamanipulahin nila ang batas upang manatili sa kanila ang mga bagay na mayroon sila ngayon, o kung hindi man ay upang kumita pa rin sila. Ilan lamang sa mga kongkretong halimbawa nito ay ang tungkol sa hindi maayos na pamamahagi ng lupa, at ang pagbebenta ng mga ari-arian sa gobyerno dahil sa apektado ito ng ginagawang kalsada.

Ang gobyerno at ang mayayaman ay kapwa nakikinabang sa isa’t isa upang mapangalagaan ang kani-kanilang interes, hindi nila naiisip kung ano ang makakabuti sa lahat. Kung magpapatuloy ang ganitong klase ng pamumuno sa bansa, mayroon pa kayang mabuting aasahan ang mga tao? Maituturi pa ba itong sandigan ng bayan? Sa kasamaang palad, ang maliwanag na sagot sa mga katanungang ito ay wala, at hindi.

History

“…We must make it the constant job of publicist to write the history of the present day, and to try to write it in such a way that our chronicles will give the greatest possible help to the direct participants in the movement and to the heroic proletarians there, on the scene of action…”
- Revolutionary Days Vol. 8, p. 104

All throughout the Philippine history, we have been gravely affected by our colonizers. These people have tarnished, if not destroyed, our mindsets. From the way we think, the way we talk, down to the way we present ourselves in the community. What is so strange at this is that we have allowed them just enough time to infiltrate our culture that much of how we perceive this culture and the history that comes along with it is ambiguous altogether. That even as they have lifted their hands upon us, we are still and for ever bonded with their lip service—their ability to seemingly swoon us off out feet so we give them the opportunity of thinking for us, and not truly about us.

And that is where we have been all these years. We have been listening to the pulpit, and the people it has shaken its ground upon. We have allowed every waking day for these people to take hold of our tongues and the stories we must remember. It took us three hundred and thirty three years to remember what has been pinned on our foreheads for so long. And it was not enough at that because somehow we have not in fact swallowed down our throats our real identity. Who the Filipinos truly are.

We speak of the people who have directly participated in pulling our identity out of the cliff. The people who have untimely lost their lives for freedom and dignity. The people who have experience the daily struggles of life, and how they cannot seem to sleep without fixing what has been broken the whole time. These people are the true heroes. These people are the true Filipinos. These are the people we have to keep our pens writing about. The people whose stories we are to remember.

- de Ocampo

PANLOLOKO

“People always have been the foolish victims of deception and self-deception in politics, and they always will be until they have learnt to seek out the interests of some class or other behind all moral, religious, political and social phrases, declarations and promises.”

Sa labanan ng mga uri, ang masa ang mas madaling madala sa ideolohiya ng mga nakatataas na uri sa lipunan. Nadadala sila sa mabulaklak na pananalita at edukadong ideolohiyang galing sa namumunong-uri. Gagamitin ng elitistang uri ang kapangyarihan ng mga panlipunang institusyon sa kanilang mga pangako at mabulaklak na litanya.

Isang ehemplo nito ang nangyari sa ating kasaysayan. Sa pagdating ng mga Kastila ay baon nila ang layuning alipinin ang itinuturing nilang mga barbarong Pilipino. Naging matagumpay sila sa misyong ito gamit ang kanilang mga matatamis na pangako na nakapaikot sa kapangyarihan ng simbahang Katoliko na isang institusyong panlipunan. Naloko at nadala tayo sa kanilang epektibong istratehiya ngunit nahimasmasan nang magsikap tayong malaman ang mapang-aliping ideolohiya sa ilalim ng magagandang pananalita. Ito ang masaklap na katotohanang dapat inaalam ng masa. Kailangan nilang tuklasin ang interes ng namumunong-uri sa likod ng kanilang mga mapagbalatkayong pangako.

--japa miranda

(2nd post) Anarkista

"Anarchy" is a silly catchword. It presupposes that there has been and still is in Germany an established civil, legal system which, on the instigation of the devil, has been violated. The catchword " " anarchy" is impregnant through and through with the spirit of official, university German "scholarship" (with apologies to real scholarship). the scholarship that cringes before the landowners and militarists, and sings the praises of the exceptional " rule of law" in Germany.


Ang anarkiya ay isang kawalan ng pamahalaan, o parang walang namamahala. Kung ipapasok mo yang konsepto ay hindi mo iyan makikita. Pero maaring makita mo ang anarkiya sa isinulat ni Jose Rizal na El filibusterismo- ang karugtong ng Noli me tangere. Inilalantad ng El filibusterismo ang higit na madilim na larawan ng mga dekada ng siglo disinuwebe. Si Crisostomo Ibarra, ang repormistang bayani sa naunang nobela, ay nagbalik sa Filipinas bilang nagbabalatkayong Simoun na mayamang alahero. Taglay ang poot at layong makapaghiganti, at iligtas si Maria Clara na tumakas sa kumbento, si Simoun ay naglunsad ng krusada na bulukin saka pahinain ang mga institusyon na pawang magiging sanhi ng himagsikan. .Makikita mo ito sa sa karakter ni Simoun na siyang bida sa nobela. Na kung saan ay hindi siya naniniwala sa sistema ng pamahalaan kaya makikita mo na mayroong pagbabago o shiftment kungbaga ang mga ruling class nasa nobela ay nag-aakalang sila na yung nagmamanipula ngunit makikita na si Simoun na yaon ang nagmamanipula na ng lahat.Isa-isa niyang kinuha ang loob ng mga karakter sa nasabing nobela at gumawa siya ng paraan para magkaroon ng doubt sa kanila at gawin ang mga bagay na gusto niya although hindi niya ito sinabi sa kanlia ay makikitang naaayon ang lahat sa kanyang plano. Na kung saan hawak niya sa leeg ang mga ruling class o mga colonial elite na kung saan makikita ito doon sa reception ng kasal nina Paulita at ni Juanito Pelaez na kung saan naglagay si Simoun ng isang lampara na kapag sumabog ay mamamatay ang lahat ng tao na nasa piging na iyon. Masasabi ko na si Jose Rizal ay naimpluwesiyahan ng anarkismo at yun ang naghudyat sa kanya na gumawa ng El Filibusterismo na nsiya ring naging dahilan ng pagkakaroon ng mga anarchist activities sa bansang Espanya.

Monday, February 1, 2010

Government Divided by Land

The peasant says: “The land is God’s, the land is the people’s, the land is nobody’s.” The “divisionists” tell us that the peasant says this without realising what he is saying; that he says one thing and means another.
You want to transfer the land to the people? Excellent! But what does transferring the land to the people mean? Who controls the people’s wealth and the people’s property? The government officials, the Trepovs.
Hence-we will explain to the peasants- if the land is to be transferred to the whole people in a way that will benefit the peasants, it is necessary to ensure that all government officials, without exception are elected by the people.

Minutes of the Unity Congress of the R.S.D.L.P., Vol 10, p.287


Upon reading the passage, I can’t help but to glance back on the history of our country. I know that during the pre-Hispanic times, everything is communal. In a primitive Filipino community, no one claimed to own a certain land for example, for everything is shared, and everything is everybody’s own. Not until the Hispanic time when the colonizers started to spread the feudal culture. From this culture as root, Encomienda then Hacienda system sprouted. The specialization of the crops to be planted, the ownership of big mass of land of a small group of people, which usually is a single family/clan, the continuous exploitation of the peasants and the like have been long experienced by most of our folks.

Philippines is undeniably an agricultural country, and it is not surprising to know that 75% of its population are farmers. The land plays a crucial role in a Filipino’s life. It is where life begins, sustained, and if there’s a need, is ended. The peasant sector of our society who owns nothing but farming skills comprises most of our population and in the lowest part of the social triangle. They were oftenly workers found in haciendas and it is, logical to think that those who are in the higher part of the social strata were continuously taking advantage on them.

These people were oftenly deprived with the most basic social services like education and health benefits which any Filipino must be experienced. As a result, most born being a peasant usually dies to be one. This makes them stagnant and was stigmatized to be ignorant.

It is blatant that most of the officials of our government were landlords. With this case, laws which will aim for the betterment of the peasants at the expense of their WEALTH were impossible to be passed and regulated.

According to the last line of the passage, it is necessary to ensure that all government officials, without exception are elected by the people. It is timely because of the coming national elections, with the loop-holed Automated Election System as a side-dish. Choosing the right person in the right position is already a problem. And now, after attending a Voter’s education regarding the process of AES, flaws of the result for the incoming election is for sure. The machines vulnerability on manipulation, plus the program malfunction and the sort will not ensure a more valid and correct counting and canvassing compared to the process of human clerical intervention on automation which for how many years was used.

At this point when the Philippine society is at the verge of insanity caused by the exploiters which happen to be our countrymen from the higher social class, it is most important to be critical. The genuine spirit of service amongst the vying politicians is hard to unravel. Electing politicians not merely in their ultra-exposure on advertisements in all forms of media and being censorious with it will help much, for sure.

We live with the law and with control of the leaders of our society. Choosing the right leaders, and ensuring that the coming elections will bear a veracious result- this will surely lead to a better society from desirable governance based on true public service.



Joanne Orias

Walang Paligoy-ligoy

“Let us point out, too, that in the election campaign in general, and in concluding electoral agreements at the higher stages, the Social-Democrats must speak simply and clearly, in a language comprehensible to the masses, absolutely discarding the heavy artillery of erudite terms, foreign words and stock slogns, definitions and conclusions which are as yet unfamiliar and unintelligible to the masses. Without flamboyant phrases, without rhetoric, but with facts and figures, they must be able to explain the questions of socialism and of the present Russian revolution”
The Social-Democrats and Electoral Agreements, Vol. 11, p. 294

Nandahil sa nalalapit na eleksyon at patuloy na pagpapahiwatig ng mga tatakbo sa pinakamataas na puwesto sa gobyerno sa telebisyon at radyo, napapanahon ang seksyon ng isang sulatin na nasa itaas. Tama nga naman, ang masa ang pinaka tinatarget ng mga kumakandidato sa pulitika. Bakit? Una, dahil sila ay bumubuo sa pinakamalaking porsiyento ng mamamayan ng isang bansa. Pangalawa, dahil ang karamihan sa mga ito ang madaling papaniwalain at madaling hikayatin.
Bagama’t madaling hikayatin, ang mga kandidato ay umiisip padin ng mga madadaling paraan upang lubos silang panigan nang kanilang mga tinatarget na botante. Una, gumagamit sila ng mga simple at patok na mga “tag lines””. Kalimitan ng maririnig sa mga ads ng mga kandidato ang mga salitang ninanais makamit ng karaniwang Pilipino tulad ng: pagasa, pagsulong, at pagasenso. Ginagamit din ang mga salitang Posible, Kaya Natin, Bagong Umaga, at Laban para magbigay ng positibong kaiisipan sa mamamayan. Ikalawa, ang mga kandidato ay gumagamit ng mga salitang hindi lingid sa kaalaman ng bawat mamamayan. Inilalatag nila ang kanilang mga mithiin para sa mamamayan sa pinakamadaling intindihin na paraan, at ito ay sa wikang alam ng karamihan: ang wikang Filipino. Kaya nga ba at wala pa akong naririnig o nakikitang campaign materials na gumagamit nang Ingles na lenggwahe. Kung sa bagay, bukod sa hindi lahat ay marunong umintindi nang Ingles, ay maaari pang magbigay ang paggamit nito ng impresyon nang kawalang nasyonalismo ng kandidato. Bilang panghuli, ang pagnanais na manghikayat ng mga botante sa kanilang pangalan ay nararapat na magbigay konsiderasyon sa mga taong, bagamat nakakaintindi ng Filipino, ay hindi naman nakakaintinding lubos na mga termino at salitang matatalinhaga. Kung kaya’t ang paglatag ng plataporma ay dapat maipahayag gamit ang pinakasimpleng mga salita, sa pinakaderetsong paraan. Kumbaga, wala nang paligoy-ligoy.

-Kzia Manto